Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao.

Ano ba ang pamantayan mo sa pagpili ng magiging katuwang sa buhay? Minsan naitatanong mo rin yan sa iyong sarili.

 

Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao, mas pipiliin ko pa rin yung mahal ko. ‘Yan ang sabi ko sa ‘yo nung minsang napag-usapan natin ang mga love life natin. Pareho tayo ng pag-iisip sa bagay na ito. Pareho tayong naniniwala na meron ngang tao na nilaan para lang sa atin. Dati, akala ko ikaw na ‘yon. Ngayon ko lang naiisip na baka nga hindi talaga tayo para sa isa’t isa.

 

Kung aalalahanin ko lahat ng dinaanan ko dahil sa iyo, mapapabuntung-hininga na lang ako. Sabi ko nga, mahirap maging kaibigan mo, pero mas mahirap na mahalin ka at maging kaibigan mo lang. Bilang kaibigan, kailangan kong ipakita ang suporta ko sa lahat ng gusto mong gawin. Kailangan ipakita ko na masaya ako tuwing masaya ka. Kailangan ipakita ko na natutuwa ako sa mga kakiligan mo kapag kasama mo siya. Kailangan nakangiti ako kahit malungkot ako. Lahat nang ito ginagawa ko dahil gusto kong malaman mo na tunay akong kaibigan. At dahil mahal kita. Kung pwede nga hindi na ako magpapakita sa yo para lang hindi ako masaktan. Pero mahal kita. Para sa akin, ito lang ang dahilan kung bakit hindi ako umaalis sa tabi mo. Para sa akin, ito lang ang dahilan kung bakit hindi ako nawawalan ng pag-asa sa ‘yo.

 

Pero ngayong napapaisip ako, hindi lang naman kalungkutan ang dinala mo sa akin. Ang ganda rin pala ng pagkakaibigan natin. May mga araw na kapag magkasama tayo, tawa lang tayo ng tawa. Siguro weirdo talaga tayo pareho, magka-wavelength. May mga araw naman na sobrang seryoso ng usapan. Tungkol sa mga problema sa pamilya, mga prinsipyo sa buhay at mga pangarap na gusto nating abutin. Pero may mga araw rin na wala kang kakwenta-kwentang kausap. Yun yung mga beses na kahit tahimik lang, ok na para sa atin.

 

Kapag kasama kita, sobrang kumportable ako. Kaya kong maging ako tuwing kasama kita. Kaya kong sabihin lahat-lahat at ipakita ang buong pagkatao ko sa yo dahil alam kong tatanggapin mo pa rin ako bilang kaibigan.

 

Ito ang hindi ko nakita noon. Dahil sa pagkabulag ko sa pagmamahal ko sa ‘yo, isinumpa ko ang pagkakaibigan natin. Lagi kong naiisip na kaibigan lang kita. Hindi ako nagpasalamat sa pagkakaibigan natin. Ngayon lang ako natutuwa na kahit papaano, kaibigan kita. Masaya ako na dumating ka sa buhay ko, kahit para maging kaibigan ko lang. Isa ka sa mga biyaya na ibinigay sa akin at nagpapasalamat ako dahil dito. Masaya ako dahil kaibigan kita at dahil namamamahal kita ng ganito. Siguro nga hanggang dito na lang ang pagmamahal ko sa iyo. Hanggang kaibigan na lang.

 

Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao, mas pipiliin ko pa rin yung mahal ko. ‘Yan ang sabi ko sa iyo. Sabi ko sa iyo mas pipiliin pa rin kita. Na kahit sino pang mas maganda, mas matalino, mas mabait, o mas may prinsipyo pa ang dumating sa buhay ko, ikaw pa rin. Kung gugustuhin mo lang, ikaw pa rin. Ikaw pa rin. ‘Yan ang sabi ko sa iyo. ….

27 thoughts on “Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao.

  1. ganda ng picture at nung yung mga binatawang salita. kung trailer ito ng isang pelikula tiyak na maiisipan ng tao na panoorin.

    hmmm medyo naranasan ko ang ganito pero ibang angle at tingin ko naman mas may depth yung sa iyo. siguro nga talaga, yung akala mong yun na ay hindi pa talaga. maiisip mo lang yung sense pag nalagpasan mo na yung emotion or yung experience. hindi ka man naging masaya, yun naman ang humubog ng iyong pananaw sa buhay o pag-ibig.

  2. “Kailangan ipakita ko na masaya ako tuwing masaya ka.” gantong ganto rin yung naramdaman ko dati. Na kahit nakikita ko siyang may kasamang iba, ngingiti na lang at magiging masaya para sa kanya.

    May hawig din yung kwento ko, kase base sa nagyari sayo, halos ganyan din kami noon. Di mapag hiwalay, kung saan saan magkasama. Pero eventually, nawala rin. Tama si hitokirihoshi, kahit na nawla siya sayo, malaking bagay na nakilala mo siya kasi natulungan ka niyang mag grow sa aspeto ng pag-ibig, lalo na sa buhay.

    • -awww..di lang pala ako nakaranas nito. Ikaw din pala. Hirap pre noh. un tipo nakikita natin sila na masaya sila sa piling ng iba..But still you have the guts to handle it..Alam mo basta marami kang natutunan at mas lalo mo pa nkilala ang iyong pagkatao. Tiyak na may mas nakalaan higit pang darating sa yo😉

  3. ang tunay na lalaki marunong maghintay kung di ka makapaghintay maaga kang masasaktan kailangan antay 2x lng para di maskit kya pag may nkita kang kasama sya wag mung pansinin malay muh ikaw lng nasa puso nya ung kasama kamag anak o insan kaya ingat ka pag umibig ok….By:Inoszent One

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s