Sino ba ang hindi nangarap ikasal?

Kahapon, ako pati ang aking pamilya ay dumalo sa isang napakahalagang okasyon ng isang malapit na kaanak. Ito ay ang isang kasal. Dito naging bahagi kami upang saksihan and dalawang pusong nagmamahalan upang maging isa. Isang napakahalagang seremonya. Banal at sagrado. Kapanapana-bik at tunay naman kaabang –abang.  Hindi naman napuno ang simbahan pero alam kong halos buong pamilya ng brides at groom ay naroon. Sadyang napakataas ng atmospera sa paligid at maririnig mo ang mga manaka-nakang kantyawan at bulungan.

“Bagay talaga sila” bulong ng isa kong kaanak…”Pare di pa huli ang lahat” sigaw naman sa kabilang upuan. “Ang gara naman ng gown ng bride” tugon naman ng aking pamangkin. “Kuya, ikaw kelan ka ikakasal?” kalabit mula sa king pinsan.

BOOM! Nagitla ako sa kanyang sinabi. Parang sumabog ang paligid ng marinig ko iyon. Ang napakatamis na harmonya ng violin ay hindi ko na marinig. Ang napakabanayad na hagod ng tunog ng mga piano ay hindi ko na madama. Daig ko pa ang isang bingi ng mga oras na iyon dahil puro flash na lang ng kamera ang nakikita ko…Tila baga umurong ang aking mga dila at hindi ko alam ang isasagot ng marinig ko iyon.

Kung alam lang sana niya. It was “June 18,2010”  was the exact date that I supposed to be merried.  Dalawang taon na rin ang nakalipas ng sumagi sa isipan ko ang isang pangako nang nuon ay dalawang nagmamahalan na pinaglipasan na ng panahon.  Hindi rin alam marahil ng ilan kong kaibigan lalo na ng aking pamilya na dapat sana sa ganitong petsa ay nais ko na rin lumagay sa tahimik. Nuon napagkasunduan din naming ng aking kasintahan na sana sa ganitong petsa ay nakatindig kami sa harap ng altar at sumusumpa sa pagsasama at magbibigay ng sigla mula sa lambingan na isa ring napakahalagahang sangkap sa matagumpay na pag-aasawa!

Pero katulad na rin ng mga palabas na pumatok sa sinehan at mga telenevola na mapapanood mo sa primetime. Ako’y nabigo.  Nasawi, nadapt at muling nalugmok. Hindi ko na ilalahad pa ang kadahilanan pero naisip ko umiikot lang siya sa isang konsepto. Hindi ako para sa kanya at hindi rin siya ang para sa akin.

Ang dami kong natutunan. Sino ba ang hindi nangangarap ikasal? Mula sa pagiging  malaya tungo sa matremonyang pagsasma na pinagbibigkis sa batas ng tao kundi gayundin sa mata ng Diyos. Pagniniig sa isip, puso, salita at diwa.

 

Ang pagpapakasal pala ay pagbubuklod ng dalawang pusong nagmamahalan upang maging isa.  Isang napakahalagang araw para sa dalawang pusong nagmamahalan.  Mga sumpaang sa hirap at ginhawa, sa puso at gawa and till death do us part ang mga maririnig. aspetong emosyonal at ispiritwal ng isa’t isa. At sa kanilang dalawa dapat magmula ang pagpuno sa mga puwang ng kanilang relasyon.

 Isa sa mga aspetong natutunan ko  pa ay ang tinuran ng pari habang siya ay nagmimisa…LOVE is T.I.M.E. which is para sa kin ay tama. Ang pagmamahal ay may kaakibat na panahon. T-rust, I-nvestmen, M-ystery , E-ndearment.

Trust kung saan kailangan pagtuunan at bigyan halaga ang pagtitiwala ng bawat isa. Investment ng pagmamahalan at respeto mula mga unang taon ng pagsasama hanggang sa pagtanda. Mystery or misteryo na kung saan ay dapat ay magiwan pa rin daw ng mga natatanging bagay na hindi alam sa isat isa para magkaroon ng challenge ang pagsasama. Endearment or mga taguri tulad ng honey, love, darling, sweetheart at kung ano ano pa upang mas maging matamis pa ang pagtitinginan kasabay ng pagtakbo ng panahon.

Dapat din raw tugunan din ang aspetong emosyonal at ispiritwal ng isa’t isa. At sa kanilang dalawa dapat magmula ang pagpuno sa mga puwang ng kanilang relasyon.  Ang pagpapakasal kasi ay karaniwang kinikilala na pagsisimula ng isang pamilya, ng isang tahanan na pagsisikapang maging pugad ng mabubuting supling.

Nabatid ko rin ang kahalagahan at mga karakter sa loob ng simbahan. Hindi lang pala ang mga kinakasal ang bida. May mga kanya kanyang papel pala ang bawat isa. Mula sa mga aras at bibliya na ginamit,sponsor, abay at hanggang sa kaliit liitang singsing ay malaking bahagi sa seremonya. Ang bawat isa pala sa kanila ay sumisimbolo at kumakatawan sa bawat kinakasal.

Ang mga aras ay material na simbolo na ibibigay ng lalaki ang mga pangangailangan ng kanyang magiging pamilya. Sumisimbolo rin ito ng isang maunlad na pamumuhay at nangangakong pag-ibayuhin at maging progresibo ang pamumuhay ng kanyang magiging pamilya.

Ang singsing na sa sumasagisag ng inyong wagas na pag-iibigan na buong puso ninyong itataguyod at pagsusumikaping palakihin ang mga magiging supling sa panahong darating.

Ang bibiliya na magsisilbing gabay ang mga salita ng Diyos. Ang Kanyang mga salita ang magiging tanglaw ng mag-asawa sa mga pagsubok na kakaharapin.

Ang belo at kordon na siyang nagdudugtong sa dalawa. Magiging sandigan ng bawat isa. Ang mag-uugnay at magbibigkis ng pagmamahalan. Na ang lalake ay aalagan si babae. At si babae ay magpapasakop kay lalake.

Ang mga ninong/ninang na tatayong pangalawang magulang. Higit pa sa material or regalo ang dapat asahan sa kanila kundi ang pagkakaroon ng responsibilidad at magbibigay gabay kung paano magiging maningning at magkaroon ng tamang landas ng buhay mag-asawa.

 

Ngayon, Mas lalo ko na naunawaan ang kahalagahan ng kasal. Hindi lang pala ito basta seremonyas. Isa pala rin itong sagradong kaganapan na ang pinagbigkis ng Diyos ay di maaring paghiwalayin ng tao. Magiging kaakibat ang nakapatong responsibilidad at obligasyon sa magiging kabiyak at sa mabubuong pamilya. Na ang pag-ibig pala ay magmumula sa dalawang pusong nagmamahalan. Hindi pinipilit at hindi nagmamakaawa.

Bukas, alam kong gigising ako na mayroong positibong pananaw na darating din ang araw ng akin ding pinapangarap . Ang maglalakad patungo sa dambana kasabay sa mga saliw at harmonya  ng musika. Magsusumpaan at magniniig ng aking magiging kabiyak. Kung sino man siya? Hindi ko rin tiyak. Tanging ang Diyos lang ang maghuhulma para sa akin. Alam ko na sa takdang panahon mangyayari rin yon.  Nabigo man ako kahapon, hinihintay ko man hanggang sa ngayon alam kong may bukas pa para sa akin.

15 thoughts on “Sino ba ang hindi nangarap ikasal?

  1. hello, indi ako masyadong religious pero like ko ‘to. like ko ang time-time na yan, ahaha. ^^

    at indi ako in love, pramis. narinig ko lang talaga ang kanta no’n, ang kulit lang. pero sana nga, ma-in love me, haha 🙂

  2. tsaka ang pag-aasawa ay di basta-basta na pag ginusto mo e hala pakasal na agad, which is kagawian na ng iba lalo na ang mga artista, then biglang mag-hihiwalay.
    Don’t worry, time will come. Makikita mo rin ang nararapat sa iyo. Oo, masarap ikasal, pangarap ng bawat isa yan.

  3. Kaibigan, wag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. ;P Kahit ako, nangangarap ding ikasal. Siguro talagang hindi pa panahon ngayon kaya hindi nagwo-work yung mga attempts ko to get into a relationship.

    Are you really ready for marriage? Ito ang tanong ko sa sarili ko madalas at nag-blog ako dito >>http://seekersportal.wordpress.com/2010/10/21/are-you-really-ready-for-marriage/

    Sa ngayon, ini-enjoy ko muna ang pagiging Single while it last. At sa mga madalas magtanong kung “Bakit Single Ka Pa Rin?” Heto naman ang blog ko dyan >> http://seekersportal.wordpress.com/2010/10/22/bakit-single-ka-pa-rin-part-1-prelude-to-a-kiss/

    May God lead you to the One He prepares for you!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s