Parang kailan lang.

I admired her brilliant mind and her sense of style;Its been a while since we’ve been together.

I miss her, more than I thought possible. I miss the sound of her soothing voice.
Nag-iinternet ako kanina at na open yung mga lumang pictures ko at nakita ko yung mga palitan natin ng messages sa computer. Di ko namalayan na tumatawa na pala ako mag-isa. Napansin tuloy ako ng ate ko dito. Para daw akong baliw kasi tumatawa ako mag-isa. Kung pwede ko lang sana ipabasa rin sa kanya yung binabasa ko, at ipakita yung mga picture! Kaya lang di pwede. Masyadong komplikado.

Ilang taon na rin  pala tyo magkakakilala at nakakachat at nagkakausap paminsan-minsan, pero di naman tayo masyado nagkakasama kung sa bagay nga naman. Kasi nga komplikado. Nasa kabilang bahagi ka ng daigdig Mag-usap man tayo pero tuwing may libreng oras lang o di kaya pag petiks ka sa trabaho o kaya mga nakaw na oras lang pag wala ka masyado ginagawa. Lam mo ba nung huling usap natin, tuwang tuwa ako kasi muli kong naramdaman na napangiti ka bunga ng konting kulitan.Lam mo na kapag nagkita na iba na sambulat na naman…

Maya-maya pa ay picture mo naman  noon ilang taon na ang nakakalipas ang nakita ko dito sa pc ko at cellphone ko; yung mga iba’t ibang picture na ginawa natin dati. Hanep nga iba’t ibang itsura may bata, may nakangiti tayo, may nakadila, may pang jologs, may pa cute, may panakot ng daga at meron din mga pang bestfriend na shot.. Well enyway ipinakita ko iyon sa ate ko nakapansin sa akin na tumatawang mag-isa. Napagkwentuhan namin yun at mga bagay bagay ang dami nga nyang tanong tungkol sa ating dalawa, Kung sino ka raw? Kung nakita ka na ba niya in person? kung kumusta ka na raw sa dubai? Kung ano na trabaho mo? Kung buti nakaka survive ka pa jan? at kung ano ano pa. Ang daming masayang alaala tuwing tinitingnan ko ang pic mo; mula sa Epixtar days, Apac days hanggang sa magresign ka at magtungo lugar na yan lahat yun muling nanunumbalik sa isipan ko..lahat yun may malaking parte sa aking nakaraan.  *sigh*

Naiisip ko pa yung mga panahon na nasa opisina ka. Kapag may bakanteng upuan sa station mo ay dun ako naupo. Lagi napasok sa isip ko yun napakahina mong boses kapag nag take ka ng calls pero pag mute mo ang lutong mo palang magmura . Tapos lagi mo inaalis un split ends ng buhok mo kapag avail tayo sa office at kapag walang ginagawa. Eh un GEAC mo alam mo pa ba na JTEN un. La lang kapag nakikita ko un dati napapangiti ko pag ikaw un last agent na nag handle ng call. 

Kapag nakakarinig ako ng salitang “boss”..ikaw agad pumapasok sa isip ko. Hindi dahil sa boss kita pero yan kase ang tawag mo sa mga tao gaya ng waiter, crew at iba pa. Kaya ka talaga nabansagan na “jologs” dami mo kaseng alam na mga salitang pang kanto.

Naalala mo pa ba yung unang iyak mo sa akin? First time kitang nakitang umiyak dahil sa problema mo pagdating sa usaping pang puso. Duon pa nga tyo sa Macdo, Libis at lunch pa nga natin un ng nagusap tyo dun. Ramdam ko ang bigat na nadarama mo nung panahon na iyon kaya tanging suporta na lang at pakikinig ang magagawa ko sayo. Di lang un unang pagkakataon na pagusapan natin ang mga bagay tungkol sa relasyon kundi maraming beses na rin. Eh yung uminom tyo sa Timog, after shift un tapos nagkayayaan tayo upang mailabas natin yung galit at sama ng loob mo nun . Minsan na rin tyo uminom sa bahay nila cj nung nag celebrate tyo ng anniversary natin..Sa bahay ni Ice nung bday niya at kung san san pa. Grabe sobrang saya nang barkada nung mga panahon na iyon.

Tapos naging madalas na tayong magka-usap. Sa telepono naman at inaabot tayo hanggang umaga. Minsan nga off topic na mga responses ko sa sobrang antok eh. Pero ikaw focus pa rin. Bilib talaga ako sa tatag mo sa puyat.

Minsan mo na rin akong pinakilala sa lalakeng minahal mo nun. Nakasama pa nga kayo ng magpunta tyo sa batangas. Oo aminin ko medjo nakaramdam ako ng selos at medyo kaunting pagkainis ng makita ko un lalakeng dumudurog ng puso mo. Pero nang maglaon medyo gumaan din ang pakiramdam ko ng makainuman namin siya.

Parate tayo sabay umuwi, kumain at mag break.Kahit sa pag “haduken” pagtira sa mga kapwa agent kasama ka. Sa panglalait, pang aalaska at pagpupuri..number one tayo. Marami pang mga kagananapan at alam kong kulang ang ispasyong ito para ilahad ko ang ating mga kalokohan at pinagsamahan.

Pero alam mo ba, paminsan-minsan ay pumapasok pa rin sa aking isip yung lagi kong sinasabi na tayo pa rin ang magkikita sa finals. Na kahit matatanda na tayo, kung magiging “favorable” ang sitwasyon na tipong hindi na komplikado ay magiging masaya ang lahat .Sabi nga natin , na sa edad na 40, pipilitan ko pa rin pasayahin ka at paligayahin ka o hangga’t tayo ay nabubuhay pa.

Pero sa ngayon, hahayaan ko na munang umikot ang mundo sa galaw na gusto nito. Nasaktan ako noong iniwan mo ako sa ere pero medyo ok na ako ngayon. Akala ko di na kita makikita pa.Hindi pala. Sana maging maayos ang lahat nasaan man tayong piling. Masaya na ako ngayon ..  at patuloy na magiging masaya bastat alam kong lagi ka lang nandyan..Sana ikaw rin.

ajah!

isa na namang nakaimbak na naisulat ilang taon na rin ang nakalipas..para sa isa sa king matalik na kaibigan sa malayo..

One thought on “Parang kailan lang.

  1. salamat sa pagdaan at sa komento, myr…

    yes, maganda rin sa manila bay. suki ako ng baywalk noong araw, ilang taon, ahaha. ngayong wala na ‘yon, sa MOA baywalk naman. doon ako nagpapakamangha sa sunset, haha. oo, mas maganda pag may kasamang loved one, naman. ^^

    happy weekend!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s