Salamat Taon 2011

Taon 2011.

Parang kalian lang ng huli kong pagmasdan ang aking kalendaryo. Huling araw  na pala ng taon. Di ko namalayan ng simbilis ng kidlat sa kalangitan ang pagdaan at pagtakbo ng panahon. Sa loob ng isang taon,  daming nangyare. Hindi ko man masabi na ito ang taong para sa kin. Bagkus nagpapasalamat pa rin ako sa taong nag daan. Mula sa usaping trabaho, pakikitungo sa tao hanggang sa usaping pang-puso. Lahat yun ay naging parte na nagdaan ngayong taon.

Dahil lalo kong napagtanto kung gaano ang kahalaga ng buhay. Nais ko na rin magpasalamat sa mga tao na naging kabahagi ng malikot kong mundo.

Salamat sa lahat ng taong naging bahagi ng buhay ko ngayong taon.

Salamat sa aking ina’t kapatid na walang sawang sumusuporta at umuunawa sa akin.

Salamat sa 096 familia na lagi kong mga kainuman kayo ang sandigan ko kapag ako’y nalulugmok sa aking kabiguan at kahinaan. Sa kulitan at harutan, sa badtripan at “laughtripan” lagi kayo andiyan.  Sa bawat tagay ng alak hatid niyo ay galak. Sa bawat kampay ng baso, inspirasyon ko ang inyong kwento. Sa bawat halakhakan, hindi ko naramdaman na ako’y nag iisa.

 Salamat sa “elites”na lagi kong kasama sa paglalakbay . All of you were there for me at all times. When I needed you all, you were here with me. All of you never closed your door to me even for a single time. They lifted me up on the times that I had fallen. They were my all in all.

Salamat sa mga customer ko irate caller man o hindi, Indiyano, Mexicano, Amerikano man o Tsino na nakilala ko sa nakausap at nasulatan ko ng e-mail sa loob ng 365 na araw. Dahil sa inyo hanggang ngayon ay mayroon pa rin akong matinong trabaho.

Salamat sa mga high school friends ko na patuloy kong kaagapay sa  pagkamit ng aming mga pangarap.

Salamat sa aking matalik na kaibigan sa malayo. Sa kabilang dulo ka man ng mundo dama ko ang iyong presensiya. Naging mabuti ka para sa akin. I don’t think I could have gotten through the last few years without you.

Salamat  sa taong  gumising sa natutulog kong puso. Hindi ko alam ang magiging buhay ko ngayon kung magiging parte ka na lang nang nakaraan.

Salamat na rin sa taong bumigo at nagdulot ng sakit sa puso ko. Ikaw ang naging pamantayan ko kung paano tanggapin ang katotohan na may mga bagay dito sa mundo na kahit anong pilit ay hindi talaga pwede.

Salamat sa eyebags. Dahil natutunan ko at napahalagan ang pagtulog sa tamang oras.

Salamat sa kape na nagpapagising sa aking ulirat tuwing gabi.

Salamat sa mga nagsilbing shock-absorber ko.

Salamat sa “hang-ups and failures”. Mas natuto akong kung paano bumangon at magsimulang muli.

Salamat sa mga kapwa blogger ko na patuloy na nagbabasa ng aking lathalain. Huwag sana kayong magsawa sa pagbisita at gayundin naman ako sa inyo. Sa inyo, naipamalas ko ang pagsulat. Natuto akong ilahad ang nagkakubli kong pagkatao.

Salamat sa karanasan – mahapdi man o hindi. Masaya man o sawi. Sa mga pinagdaanan kong unos ngayong taon, natuto ako kung paano maging matatag at harapin ang buhay.,

I saw the world change. I saw it grow. I saw my perspectives shift.  This 2011 i have realized that that  life is not everything you have. Not the material possesions you gain. It’s the people you meet, it’s the people you pass by, it’s the earth you walk over, and the earth that looks over you.
Life is a one-time deal. There are no second chances, no rewind or pause buttons, and there are no places where you can escape it all. It’s the best gift anyone can receive. Without it, we are nowhere.
 Happiness is what you feel when you truly experience life. That’s another thing life is. It’s an experience. it’s like climbing a mountain and when you get to the top, the view simply takes your breath away.

Higit sa lahat.

Salamat sa hiwaga ng kalooban ng Diyos, sa hiwaga ng pagdurusang sumasagi sa tao, dito man o duon, saanman at kailanman sa mundong ibabaw, ako ay hindi kabilang sa mga sa sandaling ito ay tumatangis at naghihinagpis. Kung hindi sa biyaya ng Diyos, ay naruon rin ako . Kung hindi sa grasya at kaloob ng Maykapal, ay ako man anumang sandali, ay maaring bawian ng buhay.

 Ang lahat ay biyaya. Ang lahat ay buhay.

Handa na ako muling ang pakpak ay ikampay upang marating ang rurok ng tagumpay. Taong 2011. Salamat sa tanan!

9 thoughts on “Salamat Taon 2011

  1. Nakikibahagi ako sa isang makasaysayang taon ng 2011 mo. Tulad mo, napagtanto kong ang mga taong nakikibahagi sa buhay ang siyang pinaka-esensya kung bakit tayo nananatiling buhay at umaasa sa isang magandang kinabukasan.

    Sabay nating salubungin ang 2012 nang mayroong positibong perspektibo sa mundo!😀

  2. Pingback: Salamat 2012 | Myr 096

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s