Anong lebel-lebel?

Hindi puwedeng lumampas ang isang araw na hindi mo ako napapangiti. Maski lumitaw pa nga lang ang mukha mo sa isip ko, nangingiti na ako e. Pero bakit ganun? Hindi ko na talaga trip ang mushy ngayon. Yun lang siguro ang pumipigil sa’kin. Hindi ko trip ang relasyon ngayon. Yun bang opisyal na “tayo na” anuman-ang-mangyari-gumunaw-man-ang-mundo na tipong relasyon?
Siguro nga sariwa pa ang mga sugat natin mula sa mga nakaraang relasyon. Pero hindi ko rin masasabing iiwanan kita dahil lang sa mga kaartehang ‘to (o kung ano man ang tawag dito). Sabihin mo nang iniisip ko lang sarili ko, pero alam mong iniisip din kita. Kaya hindi ko muna gustong dalhin tayo sa mas mataas na lebel kasi ayokong saktan ka. Wala akong balak, pero natatakot akong masaktan kita!
Wala na akong gustong isiping ’lebel-lebel’—pauso lang ‘nila’ yun. Kung ano ang mayroon tayo ngayon, napakasaya ko na.

Gusto kong malaman mo na maraming panahon na  nang naging bahagi  ka na rin ng buhay ko.

Alam mo ang mga bagay na  nagpapagalit, nagpapaiyak, at nagpapatawa sa kin. Alam mo kung  anong pinahahalagahan ko’t anong kaya kong balewalain. 

Oo, mataas ang tingin  ko sa yo. Malaki ang respeto ko sa yo. Kung kaya nga’t sa paglipas ng  panaho’y masaya kong tinatanggap ang paglaki ng papel mo sa buhay ko.

Ikaw ang naging pamantayan ko sa  paghahanap ng makakasama sa buhay. 

Ikaw ang naging tagapayo ko pagdating  sa usaping pangpuso at problema sa  mga bagay bagay sa aking paligid.

Ikaw ang dahilan kung bakit nakilala ko  ang Diyos. Nawala man ako pansamantala’y binalik mo naman ako  sa ka NIYA. Sa yo ko napagtanto kung gaano kahalaga ang Diyos sa buhay ko  at sa ibang tao.Marami pa,di mo lang  alam kung gaano ako nagpapasalmat sa mga bagay na naitulong mo

Gusto kong malaman mo na nagdala ka rin ng liwanag sa isang madilim na bahagi ng buhay ko.
Kung anumang bahagi iyon—ayoko nang balikan pa. Minsan naiisip ko, sana mas maaga tayong nagkakilala. Sana kababata kita. Pero huwag na, mas ayos na‘to. Alam kong mahaba pa ang pagsasamahan natin. Alam kong hindi mo ako iiwan at ganoon rin ako sa’yo. Salamat sa pagiging ikaw. Salamat sa pagtanggap sa’kin nang buong-buo. Walang pagpapanggap o kahit anong kaartehan sa buhay. Simple lang naman ang buhay diba? Dahil kapag magkasama tayo, dama ko na malaya tayong dalawa.

4 thoughts on “Anong lebel-lebel?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s