13 month pay

Disyembre. Ilan lang ito sa mga buwan ng kalendaryo na pinakaabangan ng ilang manggagawa, kawani at emplayadong katulad ko. Tulad ng inaasahan ng nakararami. Ang labing dalawang buwan ng pagpupuyat at pagkapagod ay sa wakas masusuklian na rin ng biyaya. Mahapo man ang likod ka kakayod, mahulog man ang mga mata sa kakapuyat at magarote man ang utak sa kakaisip ay mapapawi rin kapag natanggap na namin ang isang bagay na inaasahan.

13month pay ang tinutukoy ko. Bonus, christmas allowance or kung ano pang katawagan. Ito un ekstarng kabayaran na ginagawad sa mga manggagawa sa kanilang pagpupunyagi at pagsusumikap sa kanilang pagbabanat ng buto. Sabi nga ng mga kaibigan ko, eh “mucho-mucho” na naman daw ako. Napabuntong hininga na lang ako (hayss!). Kung alam lang nila kung paano ko pagtatagpi-tagpiin at pagkakasyahin ung “bonus” na makukuha ko.Nariyan ang “expenses at payables” sa bahay, bayarin sa credit card, groceries, handa sa noche buena at medya noche, isama po ang mga “christmas dates and christams gifts for your friends and relatives. Shempre kasama rin sa budget ang labingwalo kong inaanak. Yes! labing walo silang lahat.

Pero sa pagkakataong ito, gusto ko sana magastos sa magandang pamamaraan upang sa ganon ay hindi maubos sa wala ang aking mga pinaghirapan.

Tapusin na mga pagkakautang ko. Sabi nga nila “Di bale na wala kang pera basta wala kang utang”. Yan ang gagawin ko.Sa taong ito natapos ko na rin bayaran ang Premier bank at Metro bank Sa pagpasok ng susunod na taon, at least alam kong wala na ako masyadong intindihin sa tuwing darating ang sweldo. Tipong alam ko na buong buo na ang sahod dahil alam kong bayad na ako sa mga utang.

Bumili ng gamit or appliances sa bahay. Tulad nga ng hiling ng nanay ko, isang electric fan. Pero di lang siya ordinaryong fan lang. Ito un moderno at digital. Yun may lumalabas na tubig kapag nagbubuga ng hangin. May kamahalan nga pero mas mainam na siguro at least alam kong nakikita ko at magagamit pang-matagalan. Bags, shoes, shirts, pants or gadgets? tsaka na siguro. Mas mainam siguro kung yung bagay na aking bibilihin eh yung mas pakikinabangan ng marami kaysa sa sariling kapakinabangan.

Gift na lang ibigay ko kesa sa pera. Mas makatitipid siguro kung gift na lang sa mga inaanak para mas ramdam ang “spirit of christmas”. Sa tig P100 kada isa eh masyado mabigat dahil nga sa marami sila. Pero sabi nga nila, mas kailangan ng mga bata ang pera dahil mas malaki ang maitutulong nito keysa sa laruan, damit or sapatos.

Mag-impok sa bangko. Plano ko sana na 20 porsiyento ng makukuha ko ay ilalagak ko na lang sa banko. Nang sa gayon sa oras ng mga kagipitan at pangangailangan ay may mapagkukuhaan ako. Tapos sa pagsisimula ng susunod na taon ay magiimpok ako ng pera sa king buwanang sahod.

Sana lahat ng ito ay maisakatuparan ko ng maayos. Upang sa ganon, sa pagbubukas ng taon ay maging tuloy-tuloy ang pagdaloy ng biyaya at mas monitor ko ang mga pinansiyal na gastos ko sa hinaharap. Ikaw ano plano mo sa 13 month mo?..

9 thoughts on “13 month pay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s