Talking to my konsensiya

I know that I throw around emotionally loaded words without ever attempting to define them. Yun siguro ang reason kung bakit I seem to explain everything I say. Ayoko kasing mamis-interpret ng ibang tao ang mga intentions ko, at kung ano man ang gusto kong i-convey. I need not worry about everything, that you understand me as well.

Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga pinaggagagawa ko kagabi. It seems that my mouth is over my brain again. I always had the tendency not to think before I talk and usually end up offending other people. I am bothered by the fact that I was able to corrupt you with my ulterior motives and I disguised everything in the name of friendship. I just felt that it was unfair on your side, kaya di ako mapakali sa pag sabi ng sorry. Sana naiintindihan mo na hindi rin ako sanay sa mga ginagawa ko sa iyo, o sa mga nagawa ko kagabi. Kaya nga napaka-awkward ng pakiramdam ko. Hindi ko maalis sa isipan ko na baka pinagtatawanan mo ako sa mga kababawan ko, sa mga humanly mistakes that I might have committed. Pero, bata pa ako ng nalaman ko na hindi ko kayang i-please lahat ng tao, na sila pa rin ang magde-decide whether or not they will like me or not.

It’s really strange how my feelings for you grow. Nakakatawa nga eh, kasi before, lagi kong sinasabi na ma-in-love, talo. Ngayon, medyo naiintindihan ko na… It’s really trying to confess such adulation sa isang tao na bago lang dumating sa buhay mo. Pero like before, it’s never too early to say I like you or I love you. Yun nga lang, parang ang hirap paniwalaan. Meron kasing mga bagay na di pa nauungkat, mga secrets na maaring makasakit, o makapagpatuwa. I just want to tell you that for the record, I haven’t lied on anything that I have disclosed on you. Besides, wala namang dahilan para pagtakpan kung ano man ang mga naging pagkakamali ko noon. Tao lang naman tayo, nagkakamali, nasasaktan, nahihirapan…

Ang hirap ding sabihin sa iyo na lagi kitang naiisip, na lagi kitang iniisip. Gaya nga ng sabi mo, corny. It’s a matter of choice naman di ba? However, I just choose to think you and to recall every moment that we spent together. I speak as if ang tagal na nating magkasama, na parang matagal na kitang nakilala. Nagagawa kong sabihin ang mga bagay na ito sa iyo dahil gusto ko lang ma-release kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. For all I know, I might not feel the same way bukas paggising ko and I might forever regret not telling you that once in my life, I have liked you so much to the point of letting daydreams pass before my eyes. At least, nasabi ko na. And if ever things wont work out, at least nasubukan ko and that to me is what matters most. I dont want to lead a life of deception, and although being brutally honest all the time has some serious setbacks, I still choose to be veracious enough when asked about the issues that concern you and me.

Kung nahihirapan ka sa mga ginagawa ko, gusto ko lang ding ipaalam na nahihirapan din ako. Kahit na sabihin ko na walang nagbago, alam ko deep inside na meron. Gaya nga ng sinabi ko, mahirap kumilos ng normal pag kasama ang isang taong gustong-gusto mo. At tulad din ng sinabi ko , hindi-hindi ako yung tipo ng tao na ipagduduldulan ang sarili sa ayaw. At lalong hindi ko rin matatanggap ang isang taong napilitan lang sa isang bagay na alam niyang makakapagpaligaya sa akin. Everything should be mutual.

Siguro, since sa mga nakikita ko, hindi siguro tayo pwede, mabuti na rin sana na kalimutan mo na lang lahat ng mga nasabi ko. Trust me, I would rather choose you to become my friend than take our relationship to a deeper level kung sasama lamang ang loob mo sa akin. I like your company. Please do not think that I am just saying these things to flatter you. Ako yung tipo ng tao na matipid sa papuri, and whenever I say one, I truly mean it. Nahihiya nga ako at di ko man lang pinigl ang sarili ko sa mga makamundong pagnanasang mapasa-akin ka.

And what becomes of me then? Survivor naman ako. There are justtimes na I bottle my emotions, yung mas mabuti pa na ako na lang ang nakakaalam. Kaya nga siguro napagod na ako sa kakahintay sa tamang tao na dumating, kaya nung dumating ka inisip ko siguro ikaw na yun. Pero parang hindi naman. Salamat na rin sa iyo, sa mga pagpaparmadam. Baka nga infatuated lang ako, baka meron pang iba na naghihintay sa akin, o naghahanap sa akin. Pero salamat na rin uli sa sandaling panahong hinayaan mo akong masabi lahat ng nais kong sabihin. Natutuwa ako at hindi ka naman naging violent. Hahaha, kala ko kasi babangasan mo ako sa mukha….

Salamat sa lahat lahat, at pasensiya ka na sa akin.

Sige tulog na ako at akoy lashing na…hayssss…

6 thoughts on “Talking to my konsensiya

  1. hello, myr…

    ahaha, nakapagsabi ka naman pala. i hope sa kanya at hindi lang dito sa post, kay konsensya. mas maigi ‘yong nasasabi, naman.

    actually, mahirap maging friends uli agad after na ang isang lalaki ay magsabing may gusto pala sya kay girl sa level na lampas sa pagiging friends, oo. sa experience ko (naks, me experience), medyo nakakailang. pero, over time, medyo umu-okey rin naman basta hindi na pag-uulitin ng guy ang malalagkit na tingin at paligaw na mga hirit (haha, umaasa pa rin). that is, kung magaling syang magtago, ahaha.

    o, basta, paghusayan mo ang pagpapagaling ng damdamin, ahehe…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s