Pala-Pala

It was the wonderful month of 2008. And that year’s April mirrored the best of years past, it filled the senses with anticipated joy and happiness….

Sa kalagitnaan ng init ng araw..napagkasunduan  namin na magtungo sa isang lugar na maaring makalimot sa mga problema at magdulot ng isang napakagandang alaala ng bawat isa sa amin…

“Pala-paLa”? tanong ko kay Burnok..ito ang lugar na kanyang minungkahi upang aming lahat pagsaluhan at iwanan ang init dito sa Maynila at limutin ang mga problema ng bawat isa namin..Muli ang tanging layunin ay magdulot ng kaligayahan at kasiyahan sa bawat isa..walang problema,walang trabaho at wala munang tambay….

4pm…umpisa ng mahabang paglalakbay!!!  Ikinarga ang pagkain, higaan, jag, lutuan, tent at syempre malilimutan ba namin ang alak…isa isang sumampa sa sasakyan at handang tahakin ang aming destinasyon..sa jeep pa lang walang humpay na tirahan at tawanan; asaran at kantyawan..sa mga naiwan pwes, kayo ang pulutan…

Medyo mahaba ang biyahe..mahigit apat na oras isama mo na ang 1 oras na kamiy nagkanda ligaw ligaw..tang inang Burnok to di pala kabisado lumabo ang mata sa gabi at hindi makita ang daan..mga taong napagtatanungan namin akala mo’y batangeniyo mga kapampangan pala at lalo kami niligaw…pero kahit man natagalan kami ay narating din namina ang sinasabing “pala pala” datapwat sarado ang main gate at mukhang ghost town ng kami’y dumating…

Pagsampa pa lang ng dagat animo’y paraiso ang ganda..eto pala ang ipinagmamalaki niyang “pala-pal”..Magdamag walang humpay na inuman, kantahan, sayawan kantyawan, asaran at kaunting iyakan…Mga dating alaala muling naungkat, mga problema sa buhay nais masulusyunan, mga pangarap sa buhay aming napagnilayan..kulang ang isang magdamag upang aming namnamin ang bawat sandali na kami’y muling nagkasama sama..

Sa mga panahong iyon animoy isang napakagandang alaala na nakaukit sa bawat isa sa min…Hindi na inisip ng bawat isa ang mga pangit na sandali dito sa 96th..kung may trabaho pang naghihintay kay Burnok; kung may asawa pang babalikan si Egay; kung may Mitch pang manggugulpi kay Edward;kung hinahanap pa ni Medec si Nong Nong; kung may naghihintay pang bakla kay Tj, kung may review at exam pang nag hihintay kay Janine at Jelah at yung mga nangungutang sa tindahan ni Etz aming kinalimutan…Bonfire! habang shumashot at nagkakantahan at nagtatawanan..ibat ibang ritwal ang naganap..pati ang pagpray over kay pareng Egay ay naganap upang siyay ganap na magbago…pati ang pagtira kay Puktoy kase hindi siya nakasama ay ginawan din ng video..shot dito! shot doon! tpos lusong sa tubig..hayun kahit malunod…walang puknat na tawanan at halakhakan….

At sa aming pag uwi dala namin ang mga alaala ng bawat sandali…Kulang ang ispasyong ito upang aking ilahad ang tunay na mga kaganapan…basta ang alam ko muli kong nakalimutan ang pait ng problema at aking nadama ang di matumbasang kaligayahan…Deretso lang ang buhay at sa mga susunod pang mga panahon ay muli tyo ulit magsa-sama sama…Hindi kaya tumbasan ng anumang pera at salapi ang bawat minuto ng ating mga sandali…Hanggang sa sasunod ulit…Patuloy ang ikot ng buhay..

Balik na naman tayo sa reyalidad…096th fo’ Life…..

2 thoughts on “Pala-Pala

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s