Nagmamasid…nagmamahal…

Marami  na akong alam tungkol sa iyo. Hindi ko alam kung bakit. Obsession? Pagmamahal? Kung iyun ang tawag dun. siguro nga mahal pa din kita dati pa. Yun nga ang mahirap e, mahal na kita dati pa. Kung bakit kasi ikaw pa! Ang dami-dami naman diyan na puwedeng mahalin. Kailan ko lang kasi nalaman na malalim na pala ang nararamdaman ko sa iyo. Nahulog na naman pala ko, hindi ko pa alam.

Alam kong ipinanganak ka nung December 23, 1982. Alam ko may kasama kang kambal nung lumabas ka sa tiyan ng nanay mo. Panganay pa nga siya at identical nga kayo, hindi ba? Na apat kayong magkakapatid at puros babae. Na minsan na rin na nalagay sa panganib ang buhay mo na binigyan ka muli ng Diyos ng pangalawang buhay, yung pilat mo sa kaliwang pisngi ang nagsisilbing marka sa panibago mong buhay.Kung paano ko nalaman? Di ba nga naikwento mo. Ganoon ako ka-weirdo. Ganoon ko sineryoso ang lahat. Nais ko lang kasi malaman kung ano ang nakaraan ng taong nagnakaw ng puso ko. Gusto kitang ipakulong at sentensyahan ng kamatayan. Kaya lang huli na, mukhang tuluyan mo nang naitakbo ang pusong ninakaw mo. Huli na ng dumating ang mga parak para hulihin ka.

Alam ko rin ang dahilan kung bakit ang pangalan  mo ay “—- –.” Dahil ang kuwento ang pangalan ng papa mo ay Antonio at ang mama mo naman ay Veronica kaya pinagsama ang kanilang pangalan. Nahirapan pa nga akong magpakuwento sa iyo dahil kinailangan ko pang ilibre ka merienda para marami akong malaman tungkol sa iyo.(hehehe) Tignan mo nga naman! Paborito mong kulay? blue at dilaw. Dahil sabi mo nga, “maaliwalas” Bagay na bagay sa katauhan mo. Siya nga pala, tamang maging “vi” ang palayaw mo. Dahil para sa akin, isa kang bubuyog(bee) na tumusok sa puso ko kaya tuluyang nawalan na ng katas para umibig pa sa iba. Mapusok ka talaga…malupit pa.

Kabisado ko rin ang numero ng telepono niyo at alam ko rin na isang beses kayo nagpalit ng numero dahil lagi kayong pinuputakti ng mga “party liners” at “prank callers”. Yun bang mga taong nasa linya at parang nakikinig sa usapan nyo pero hindi naman nagsasalita. Sige, dahil hindi mo naman alam kung sino sasabihin ko na ang totoo. Hindi yun “prank callers,” ako yun. Lagi akong tumatawag sa inyo pero dahil ikaw lagi ang nakakasagot, umuurong ang dila ko at pinagpapawisan ako ng malagkit na nagdudulot ng pagbaba ng telepono. Hindi ko intensyon pero paulit-ulit na nangyayari. Nahihiya kasi ako sayo dati.(Joke!).

Marami talaga akong alam. Magmula sa mga embarrassing moments mo hanggang sa mga unforgettable moments. Kabisado ko lahat pati pangalan ng aso niyo.Kaso nga patay na siya di ba? Alam ko rin na bago ka tumuloy sa classroom o di kaya sa papasukan mo ay dumadaan ka lagi sa CR para ayusin ang buhok mo para ipusod ang buhok mo dahil ayaw mong makita ka nilang nakalugay dahil ayaw mong makita ka nilang di maayos. Maganda ka naman e. Kahit nga gulo-gulo ang buhok mo, pinangarap ko pa ring makasama ka. Araw-araw yon, lagi kong nakikita at kahit kailan hindi ka pa naka-miss sa attendance mo doon. Meron pa nga akong mga litrato mo. May nakangiti, may bata, may grad pic, may maliiit, wallet size at 1x 1.

Kabisado ko rin ang daan papunta sa inyo. Sa palagi ba naman kitang naihahatid tuwing kasama ka. Kabisado ko rin ang mga reaksyon mo, pati nga pagkunot mo ng noo, kabisado ko na rin. Alam na alam ko rin ang tunog ng boses mo. Ang mga pa ring sa telepono alam kung ikaw lang yun maging ang boses mo na masyadong mahina alam ko yun.

Yan ang trabaho ko ng maraming taon. Masdan ka, tignan ang mga ginagawa mo, panoorin ka…yun lang. Maraming taon yon. Sa loob loob ko grabe naman ako magmahal. Kulang na lang  e tumalon ako sa isang building para sa iyo. Na kung tutuusin ay kayang-kaya kong gawin ngayon pero ayaw kong gawin dahil baka hindi na kita makita. Kung alam lang nila kung paano ko nagdurusa. Kung alam lang nila na ayoko rin na mahalin ka dahil alam kong masasaktan lang ako. Kung alam lang nila na ayokong umasa. Kung alam lang nila kung paano ko gustong patayin ang nararamdaman ko para sayo. Pero ewan ko… ewan ko…

Hanggang ngayon inaamin ko, mahal pa rin kita. Wala lang. Dahil naiinip na ko sa pagtingin sa mga litrato mong kahit kailan hindi naman gagalaw. Bakit kasi hindi puwedeng pumili ang tao ng mamahalin nya?! Yun bang tipong hindi ko na kailangan gawin to! Yun bang hindi ko na kailangang maghirap para mapansin mo! Baliw na siguro ko… Oo nga. Siguro nga. Pero alam mo, habang tinitignan kita sa malayo at isinusulat ko ito… naisip ko, wala na kong magagawa. Kung mahal talaga kita….mananatili pa rin ako…. Nandito sa tabi-tabi….nagmamasid…nagmamahal…

ito’y isa na naman sa aking mga akdang nakilmbak sa mahabang panahon..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s