Magkaibigan lang.

Sabi nila hindi ako makuntento. Dahil hanggang dito na lang tayo. Hanggang dito na lang ang samahan natin; ang turingan natin. Hindi na lalagpas sa pagiging magkaibigan.

Naging kaibigan kita sa hindi inaasahang pagkakataon. Noong unang nagkasalubong ang landas natin, hindi kita pinansin. Eh ano nga naman, hindi nga kita kilala. Ang atensiyon ko noon ay nasa ibang tao.

Pero nang lumaon, nagkakilala tayong mabuti, at nabuo ang isang relasyong hindi ko inakalang mabubuo sa pagitan natin.

Ikaw ang naging pader sa mga panahong ako ay napapagod at kailangan ng masasandalan. Ikaw ang nagbigay ng mga salitang nagbibigay init sa damdamin ko tuwing ako ay nalulungkot. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pakiramdam na ako ay minamahal, inaalagaan, pinoprotektahan. Kaya itinuring kitang  ispesyal – na alam kong makakasama ko, matatawagan ko at mamahalin ko.

Subalit ang akala kong damdaming hindi magbabago ay unti-unting nag-iba. Ang unang pagkikita ay inasam, ang unang sulyap ay pinanabikan, ang unang ngiti mo ay nagpahina sa mga tuhod ko. Hindi lang kasi ugali mo ang maganda, pati pisikal mong kaanyuhan, nakakapang-akit.

Pero hanggang doon na lang ako. Sa tingin, sa sulyap. Dahil hindi naman magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap ko. Eh wala, hanggang dito na lang ako sa’yo. Dahil alam ko, may iba kang minamahal at nasasaktan ka sa pagmamahal na iyon.

Wala akong lakas ng loob na sabihing “Ako na lang ang mahalin mo!” dahil imposible. Hindi pwede. Kaya ko kayang ibigay ang pagmamahal na inaasam mo sa kanya? Siguro naman oo. Kaya ko namang pasayahin ka, hindi ba? Masaya naman tayo kapag magkasama tayo. Pero bakit kaya ganoon? Pinagkakait ka ng tadhana sa akin.

Sana naman magkatotoo ang mga pangarap ko. Hindi yung umaasa nalang ako dito, naghihintay sa wala. Masakit tanggaping magkabigan tayo. Magkaibigan lang.

7 thoughts on “Magkaibigan lang.

      • hello, Myr… a, pag nakita mo ang taong mahal na mahal mo, you’ll forsake everything and stake it all – para sa kanya.
        tamo…🙂

        hmn, sa akin, for all the traffic ng tao sa buhay ko, hindi ko pa yata nasalubong yong pag-i-stake-an ko ng lahat dahil tila ready rin siyang ganoon para sa akin. so, yon ang kapaliwanagan bakit singol, ahaha.😉 musta lovelife? hehe….

        • hahaha natuwa ako ng bahagya sa kumento mo..;-) ur right lahat itataya mo sa ngalan ng pag-ibig. Love life ko ngayon? hmmm…not for now siguro…im still playing mind games with the one that i have for now…at ikaw naman? gusto ko makabasa ng post mo bout ur lablayp..;-)

          • hellowie… bahagya lang? dapat maraming tawa, whehe. gano’n talaga yon – tayaan na.😉 hal;a, mind games ka ryan.😉 musta ka?

            hey, Myr, mag-guest post ka, kapatid – sa SSA or sa DPSA (maraming love post pala sa parehong site, mag-scan ka na lang, pag me time…). ha? aantayin ko.🙂 for details how, read Impluwensya ng ka-blogs sa panulat post at SSA. regards…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s