Limang taon na Samahan!

Oktubre taong kasalukuyan. Limang taon na pala ako sa trabaho ngayong taon   Parang kailan lang. Matanda na kung ikukumpara sa edad ng pusa. Hindi ko lubos maisip na magtatagal ako sa ganitong trabaho. Sabi ko lang  nung una. “Try lang”. For experience ba. Sa totoo lang ni sa panaginip ay hindi sumagi sa akin na ito ang aking magiging propesyon. Pero sa hinagap hagap ko ay bumagsak ako sa pagiging “call boy”…(call center associates)..

Pero ika nga ng mga matatanda, hindi mo hawak ang kapalaran. Hindi ko pinagsisihan kung bakit ito ang karera na pinili ko dahil dito maraming bagay akong natutunan. Minulat ako sa katotohan kung ano ang tunay na kahulugan ng pakikisama. Dito ko nakilala mga kaibigang naging bahagi ng aking buhay.

Mga taong nagibigay ng saya, ngiti, inspirasyon at pag-asa. Mga taong tinuturing ko lang noong “officemates” pero naging tunay na kaibigan hanggang sa ngayon. Patuloy na umuusbong kahit na saan man silang dako ng mundo.

Nais ko sana ipakilala sa inyo ang mga taong maituturing kong sagwan at kagyak na nagpahinog ng aking pagkatao.

                                                                                         Si Ice    

Ang Team Leader. Pasimuno sa mga lakaran.

Ang malakas uminom yet pinakamalambing sa grupo. Cum Laude at mapagkawang-gawa sa kapwa.

Si Ana

Ang “madam financier”.. Hindi matutuloy ang aming mga lakad kung wala ang kanyag credit card.

Mawawalan ng pera ang Banko Sentral pero siya hindi. Maasahan. Sa usapang pinansiyal at katipiran sa buhay

siya ang takbuhan. Praktikal na kaibigan.

                                                                                          Si Ana G.

Ang aming “bombshell”. Hot kase ang dating niya sa mga guy at may pagka “dragonesa” pag nagalit.

Ang natatangi kong kaibigan na may “color wheel” sa bahay. May pag ka O.C. kase lalo na pagdating  sa kanyang

kagamitan at pananamit..Huwarang ina ni Gustav at game sa lahat ng bagay.

Si Solay

The event specialist  or i can say events coordinator. Malikhain, masining at may pagka martyr pagdating sa pag-ibig.

Siya ang tagawa ng mga invitation sa tuwing kame ay may mga “gathering” at lakaran. Mabait at sadyang mapagmahal.

                                                                                      Si Rona

Pinakamaingay sa grupo yet masarap kasama. Pranka at palaban. Walang gerang inaatrasan basta alam niyang nasa katuwiran.

Ang paborito kong ka “dance showdown” .  Pang United Nations ang kagandahan. Amerikano, Sri-lankan, Canadian

Singaporian, Briton, nahuhumaling sa kanya. Ayaw sa Pinoy.

Si Sheila

May pagka-maramdamin at rakista kong kaibigan. Tahimik at naiiba ang mood-swing. Malakas mang asar ng palihim.  Mahilig sa banda

pero malalim. May pagka mababaw ang luha at sentimyento. Maasahan kahit topakin.

Si Jen

Ang pinaka seksi sa lahat. Ang aming “Biggest Loser”. Siya rin ang sekretarya at tagahawak ng budget sa tuwing kami ay may

pagtitipon. Ang responsable yet striktong ate. Mapagmahal na kabiyak ni “Asawa”.

                                                                                            Si Shen

Ang magandang si Shen.  Maganda parati ang “aura” at marunong magluto. Mahusay at masipag

pagdating sa mga gawaing bahay. Subok na mapagmahal at “loyal” sa sinisinta.

Si Cee Jay

Ang pinaka pogi sa grupo. One of my best buddies na nakilala ko sa office. Sa pormahan at ligawan ng babae sa office,

lagi ko siya kasama. Makulit at may pagkachickboy (chick it!) pala. Galante  at masarap asarin kase hindi pikunin.

Magaling makasama at madaling lapitan pag may kailangan.

Si Joy

Siya ang aking  joy of my life. Maganda pero “jologs” ng grupo.  Siya yung tipo ng tao na walang masamang tinapay sa kanya. Kahit saan mo

dalhin “game na game”. Walang keme at walang arte sa buhay. Siya ang aking best. Kasalukuyan siyang

nakikibaka sa gitna ng disyerto kasama ang mga kamel. Kahit nasa kabilang dulo ng daigdig patuloy pa rin ang komunikasyon.

Si Boi

Yhap. Ako yun. Abnormal sa grupo. Ang lalakeng lageng sira or sumpa ang lovelife. Madaling patawanin. Madaling kausap.

Ang joker at mahilig bumanat. Seryoso kung minsan at malalim.

Limang taon..Anim. Pito…at sa mga susunod pang taon alam kong marami pa tayong pagsasamahan. Sa lungkot at saya. Meron man o wala. Sa lungkot man o sa ligaya. Dama ko ang mainit ninyong pakikitungo. Hanggang sa darating na pag-inog ng panahon..”elites” Salamat sa inyo ! Happy 5th!

4 thoughts on “Limang taon na Samahan!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s