Naalala mo pa ba?

Naaalala mo ba nung araw na nagkakilala tayo yung nagkapalagayan tayo ng loob? Ang saya-saya nga natin noon eh. Parang walang dumadating na problema sa buhay natin, parang ang lahat ng bagay ang dali dali at napakagaan, sobrang komportable at ang kulay ng paligid.


*hinga ng malalim*

Tapos naaalala mo pa ba dati nung nag-propose ako? Kahit sa telepono lang yun; ng magkita tayo kinaumagahan muntik na kitang tawanan npangiti nga ako ng magkita tayo muli,grabe di nga tyo natuloy sa work dahil tayo ang nagkatuluyan.

*tingin sa malayo*

Naaalala mo pa yun ‘di ba? Eh, yung mga araw na ang uwi ko ay gabi, yung lagi mong pinapaalala na mag-iingat ako lagi, naaalala mo pa? Sabi ko pa nga sa iyo na wala naman mangyayari sa aking masama. Tapos sinabi mo na lang na, “Syempre iba pa rin yung sigurado, ayaw kita mawala sa akin, mahal na mahal kasi kita!” Yung sinabi mong yan… naalala mo?

*tingin sa cellphone*

Dati oras-oras, minu-minuto ay laging nagri-ring phone namin, maski cell ko. Walang araw na hindi yan makaka-tanggap ng text at missed call galing sa yo. Yung caller id nga namin puro numero mo lang; mula nung tumawag ka ng madaling araw hanggang sa kinabukasan, bago ako matulog. Ngayon, ni isang numero mo, wala na. Malapit ko na ngang ibato yung telepono sa bahay eh, dahil hindi ka nagpaparamdam sa akin!

*singhot*

Ikaw, naaalala mo pa ba yung mga sinabi mo sa akin? Naaalala mo pa yung sabi mo “Hinding-hindi kita iiwan, kasi ayaw kong mawala ka…” naaalala mo yun? Siguro hindi! Ni hindi mo na nga ako naaalala eh. Nababaliw na ako kakaisip kung buhay ka pa at kung ano na ba tayo ngayon. Oo nga, ano na nga ba?

*lagok ng red-horse*

Ako, hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Hindi mo ba naiisip na kung ano na nangyayari sa akin? Kung buhay pa ako o hindi, kung andito pa rin ako nagmamahal sa iyo? Isa lang maisasagot ko sa iyo, “Oo naman, ako pa… siyempre, buhay pa ako noh! Andito pa rin ako nababaliw na sa pagmamahal sa iyo, kahit na hindi ka man lang nagpaparamdam sa akin. Kahit na mabaliw na ako dito kakaisip sa iyo, kahit na murahin na ako ng mga kaibigan ko at kulang na lang eh, itakwil nila ako.” Sana maalala mo… yung mga araw na masaya tayong dalawa, yung wala tayong pakialam sa mundo, yung mga oras na naglalabing-labing tayo, yung mga oras na pag may problema tayo, andiyan ang isa’t-isa, yung mga simpleng bagay na ating ginagawa para mapasaya natin ang mga sarili natin. Yung magkwentuhan hanggang madaling-araw at siyempre, yung mga oras, panahon at pagmamahal na inialay natin sa isa’t-isa. Sana nga kung naalala mo pa.

9 thoughts on “Naalala mo pa ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s