Paglisan at pagkabigo

Nang nawala ka, handa akong ibigay ang lahat, ang kahit ano, bumalik ka lang kahit sandali. Kahit sa anong paraan. kahit isang maikling text lang, o e-mail, o facebook message. Maramdaman ko lang na kahit tapos na ang lahat, mahalaga pa rin ako sa iyo. Pero walang dumating. Ni hindi ka man lang nagparamdam. Kahit na parang ritwal ko nang tinatawag ang pangalan mo gabi-gabi, wala. Wala ka na talaga. Naging mas madali nga ang pagtanggap sa pumanaw nating pagkakataon, pero kasabay nito, mas naging mapait naman ang aking pag-aayuno.

Tuloy ang buhay. Kailangan e. Natuto akong magmahal ng iba at unti-unti ring nawala ang lungkot. Naniniwala rin naman akong mayroon akong karapatang maging masaya, at mas gusto kong ngumiti kaysa umiyak. Nariyan naman ang ala-ala mo, nariyan ang pag-ibig na kahit kailan ay hindi ko na maibibigay sa iba bukod sa iyo.ย Habang nagmamahal ako ng bagong pag-ibig, patuloy pa rin kitang minamahal. Alam ko iyan. Naroon na rin siguro ang kaalamang dahil patay na nga ang panahon natin sa paningin ni kupido, hindi ko na kailangan buhayin pa ang sakit. Tanggap ko na. Paminsan minsan nga, dinadalaw pa ng diwa ko ang mga nakakalat na lapida ng ating nakaraan. Kapag nakakarating ako sa mga lugar na noo’y nakasama kita, kapag naririnig ko ang mga awit na pinili ko para sa ‘ting dalawa— para na rin akong nagtitirik ng kandila at nag-aalay ng bulaklak sa ala-ala mo.ย Paalam.

10 thoughts on “Paglisan at pagkabigo

  1. paalam …. minsan mayron ding maganda sa isang paalam.. hudyat ito ng bagong simula.. bagong kakilala at bagong pag – asa.. tama yun wag mag mukmok.. lahat tayo may karapatan maging masaya.. kaya piliin mo maging masaya.. mas nakaka aliwalas ng aura…๐Ÿ˜‰

    naiyak nanaman ako.. nararamdaman ko iyang mga sinulat mo

  2. oo, ah. after some time, bubukas ka sa goodwill and overtures (overtures, haha) ng iba. o, sige na nga, gestures na lang, hi,hi… kasi, maski yong good memories nyo together, kumukupas rin, e. lumalabo ang mga larawan, kumbaga. kailangan kasi, constantly nare-renew. if not, maluluma rin at kamo nga, magiging lapida.

    pero tama ka ro’n. ang pagmamahal mo sa dati, hindi kapareho ng pagmamahal mo sa (importanteng tao) sa ngayon. magkaiba sila. may pagka-exclusive sila. magkaibang planes at domains, kumbaga. at may sarili ring dynamics. o, di ba?

    hindi betrayal ang magmahal ng bago. hindi pagtalikod ang magmahal muli. yown naman…

    hello, myr.๐Ÿ™‚

    • awwww…very well said..napaluha ako sa mga nasambit mo..likha nga mahiwaga talaga ang magmahal…i relly loved your word play ah..”hindi betrayal ang magmahal ng bago. hindi pagtalikod ang magmahal muli”…so true…sa pagkakilala ko na sa iyo..feeling ko mas marami kang pinagdaanan kesa sa kin..;-)

  3. paalam… isa sa mga masasakit na salita na naencounter ko sa buhay ko. dahil kailangan nating tanggapin sa sarili natin kung magiging permanente ba ito o panandalian lang…

    Malalagpasan mo rin yan! Tulad nga ibang taong matatag…๐Ÿ™‚ Awa’t tulong ng Nasa Itaas

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s