The One

Kilala mo ba si “Dawan”. Ang taong matagal mo nang ipinagdasal na dumating sa buhay mo. Ang taong pareho mo ng mga pangarap sa buhay, mga ideyolohiya at kumportable kayo sa isa’t isa. Ang taong kakantahan mo ng “Grow old with you”. Ang taong iuuwi mo kila Inay at Itay para sabihing, “siya na po talaga. As in. Dizizit.

Nakita mo na ba si “Dawan”. Hindi siya si Neo ng “The Matrix”. Hindi rin siya un gamot na “Solmux”. Hindi rin siya yun chocolate bar na mabibili sa “7-11”. Hindi siya bagay, pook o pangyayari. Hindi rin siya pang-abay, pang uri, pang-ukol o panghalip. Maaring ilagay ko na lang siya sa panghalip panao. Tao siya. Oo. Tama. Maari siyang maging pulitiko, artista, doctor, inhinyero,  driver, nurse, call center agent, tambay or isang simpleng tao lang na magdadaan sa buhay mo.

Siya yung taong taong matagal mo nang ipinagdasal na dumating sa buhay mo. Ang taong pareho mo ng mga pangarap sa buhay, mga ideyolohiya at kumportable kayo sa isa’t isa. Ang taong lalapatan mo ng kantang “I wanna grow old with you”. Ang taong kaakibat mong maglakad sa harap ng dambana.Yung tipong sa hirap at ginhawa, hanggang sa makabilang buhay ay siya yung gusto mong makasama. “. 

Sa aking panaginip, binigyan ako ng pagkakataon ni God na makapamili raw ng babae kong makakasama habang buhay. ibat-ibang klaseng babae.  Sinama niya raw ako sa  sa langit at sa kanyang malapalasyong tahanan, sobrang laki at sobrang lawak at doon makapamimili ako ng babeeng makakasama ko. Sa loob ng Kanyang palasyo ay may ibat’ibang babae raw ang aking matutunghayan. Maari raw akong pumasok sa mga pinto ng kanyang silid at doon napapaloob ang ibat ibang babae. Ngunit hindi na ako maaring makabalik pa kapag ang silid na pinasok ko ay nabuksan na. Kapag nakapasok na, i should move forward.

Nagsimula ang aking paglalakbay,  pumasok ako sa unang sulid. Isang magandang babae. (mala Sam Pinto ang dating) “Tama nga ako” tugon ko sa sarili. Namangha ako sa angking ganda ngunit di naglaon ay lumabas.

Sa ikalawang silid, isang maganda at mabait na dalaga. “Ayos to”. Napahanga ako muli sa kabilang banda ay lumabas din ako.

Sa ikatlong silid, isang maganda , mabait at matalino. “Naku, nakakatempt ka na talagang isama” Pero sabi ko baka may mas maganda, mas mabait at mas matalino na pwede pang makasama.

So..nagpatuloy ako.

Sa ikaapat na silid, isang maganda, mabait, matalino at mayaman. “Nalilito na ako, ano ba siya na kaya?”.  Naisip kong may mga natitira pang silid at akoy lumabas muli.

Sa ikalimang silid, isang maganda, mabait, matalino mayaman at relihiyosa, . I let go. “Naniniwala ako na meron pang prinsesa naghihintay sa kin”.

Sa ika-anim na silid ,  She looked at me straight eye. And I don’t know why, pero there is something in her that I longed for.  “Pero hindi, Kailangan marating ko ang dulo at duon alam kong naghihintay ang babaeng nararapat sa akin. habang lumalayo ako, nakakakita ako ng ganitong klase ng babae, baka in the other end may mas hihigit pa sa kanya.

Hanggang sa narrating ko ang dulong silid,  “Ito ang daan pabalik sa lupa”…..

Hayssss..araw araw tayong nagdadasal na makasama na magkaroon ng kapareha sa buhay. Pero minsan wala tayong nakikita. Akala ko may makikita pa ako sa dulo pero wala na rin pala. Each step to perfection na hinahanap ko is a step to nothingness. . I have met someone in my path but I did let her go. Believing na there is someone better. I was not ready to face the challenges of life with someone I thought was of lesser value than me…Hayz…

Minsan ang mga tao/bagay na hinahanap natin. Minsan nasa harapan mo lang.

15 thoughts on “The One

  1. hey, kumusta? gusto ko ang narration, ang treatment at ang plot. ahaha, ang dami ko palang nagustuhan…

    saka, ang ganda ng font at theme mo. ang linaw. pati pics pala…

    teka, ba’t madalas ay very introspective ang posts mo?🙂 hohum…

    hello, warren!🙂

    • heto mabuti naman inissip ko lang kung paano mapupunta sa blogs of the day yun mga pino post na blog?…any idea? baguhan lng eh…sensya na ha kung masyado introspective, wala pa ako maisip na ibang style sa pagsulat..mas mainam nga ang iyong mga lathalain…turuan mo naman ako kung paano mapupunta sa blogs of the day ang mga ibang post…;-) thankies..

      • hello, myr.

        ang alam ko, napupunta sa blog of the day pag marami nang nag-view ng particular post. parang may ranking kasi ang WP according to the number of views gained within 24 hrs ‘ata. bale, usapan ng traffic o dami ng taong pumupunta sa site mo.

        hmmn, ako noong bago pa, di muna ako nag-isip ng traffic. basta ang concern ko noon ay maisulat ang mga paksang malapit sa akin at gandahan ko, kumbaga. ang nagpataas ng stats ko noon at hanggang ngayon ay views ng mga nagri-research o dala ng search engines at less from views ng other bloggers. over time, kaka-bloghop ko, may mga nakilala na rin akong bloggers na paminsan-minsan ay sumisilip sa site ko kaya medyo nadagdagan na rin.

        pero ang intindi ko ryan, basta matitino at maaayos ang isinulat mo, over time, may mga nahahatak na magbasa. tapos, bloghop ka para may mag-comment at humunta rin sa comment section mo, ahaha… no problem, myr. ganyan din ako noong bago pa.

        okey lang ang introspective posts. medyo nagtataka lang ako kasi parang you sound young pa naman. yown…🙂

        • Salamat sa maraming impormasyon.. ang dami kong natutunan sa mga sinabi mo..Tama ka..im still a young fella..young at heart and soul..tanging layunin ko lang naman ay ang makapagsulat at mailahad ang mga bagay at damdamin na nagkukubli sa likod ng aking pagkatao..it doesnt matter to me if someone will read it as long as ive vent out all my feelings, views and perspective in life..salamat sa mga kaalaman marami akong natutunan sa iyo kaibigan!🙂

  2. It is still a good point that we learn from this kind of event. One way or another, we will come to a crossroad. All we need to do is be ourselves, even without the one we are actually looking for.

    I am glad to have read this entry. You made me ponder for a while, for a minute, and now, for the rest of my night time, I will think about the same scenario you have drawn. Thank you for sharing your craft.

    • thanks for visiting jay.. i was also inspired by your words…”one way or another, we will come to a crossroad”…(i like it)… sa ganitong paraan naibabahagi ko ang mga bagay na dapat malaman ng iba…well sadyang ganito lang siguro ang buhay..

  3. Hello🙂

    Nakakaisip naman ang iyong post. Parang naisip ko bigla, natagpuan ko na nga ba sya? At syempre naisip ko kung itong mahal ko ba sa ngayon ay sya na ang “dawan”.

    Pero sa kabilang banda, naisip ko rin na habang naghahanap tayo at nagseset ng standards para mahanap ang taong iyon, mas lalong nagiging mailap ang tadhana. Minsan napapalayo tayo ng tingin, katulad ng iyong nabanggit, “Minsan nasa harapan mo lang.”.

    Napadaan lamang po🙂 Idinagdag ko rin kayo sa aking links para mas madali akong makadalaw ng mas madalas. ^^

    Magandang gabi!

  4. Minsan kasi kailangan din nating ibahin ang ating view point para marealize natin na nasa harapan na pala natin ang ating hinahanap. So, kapag nalaman mo nang si The One na yun, kunin mo na lahat ng courage and strength. Good luck and God bless! Naghihintayan na lang pala kayo. Awu!

    • hehehe–salamat batopik.turan nga ng sinabi mo, it will take a lot of courage and strength. panghahawakan ko yan! at ikaw? siguro nahanap mo na si the “one” mo…;-)

    • batopik-tama ka nga poh..un talga ang kailangan courage and strength..awkward kung minsan ang feeling pero kelangan ng lakas ng loob..take a risk..dahil dto dami ako natutunan…kaya kaw wag na magpatumpik tumpik baka nsa harapan mo lang din.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s