Bitter ka ba?

Knug tatanungin ako ng Diyos kung gaano kita minahal, ang isasagot ko, 100 beses na higit pa sa nararapat. Minahal kita hindi dahil pakiramdam ko lang tama, pero dahil ginusto ko yung naramdaman ko at walang kung ano pa man. 


Minsan mo na akong tinanong kung pinagsisisihan kong nakilala kita. Sinabi ko hindi. Ngayon na nga siguro ang araw na kinatatakutan ko. Dahil kapag tinanong mo ulit sa akin yan, alam kong oo na ang isasagot ko. Sa lahat kasi ng nangyari sa buhay ko, ikaw lang ang gusto kong burahin. Wala ng iba.
 
Alam kong tama na tong ginagawa ko ngayon. Tama ng mawala ka sa buhay ko. Dahil alam kong wala ng pag-asa yang sinasabi mong pagkakaibigan natin. Tanga lang ako na minsan kong inisip na yun ang pinanghahawakan ko pero hindi pala. Dahil pinili mo pa rin akong saktan kahit alam mong dapat naging isa kang kaibigan.

 

Nung mga panahong ikaw at ikaw lang ang kailangan ko, hindi man lang kita mahanap. At kahit alam kong alam mo yon, pinili mong tiisin ako. Ngayon hindi na ko umaasang nandyan ka pa, dahil simula palang nang-iwan ka na. 


Itinapon ko na rin ang lahat ng kasinungalingang sinabi mo na ang masakit ay pinaniwalaan ko. Nang sinabi mong importante ako sa yo at hindi mo kayang wala ako, kagaguhan lang yon. Siguro napilitan ka lang sabihin yon, o di kaya, sinadya mo para paasahin ako.Ngayon, lahat ng binitawan mong salita, wala ng halaga. Simple lang ang rason: dahil wala ka ring kwenta. 
Wala na rin akong pakialam kung nagustuhan mo man ako o hindi. Ang importante, nagbigay ako ng buong buo at ni minsan ay hindi humingi ng kahit anong kapalit. Kahit papano, naturuan mo akong maging matatag. Natuto na rin akong tumigil sa paghahabol at pag-iyak sa taong manhid na tulad mo.  

Siguro nga nasira mo na ang lahat sa akin. Ang paninindigan ko, tapang at paniniwala ko, pati ang katauhan ko, pero kaya kong ibangon ang sarili ko at mabuhay ng wala ka. Ako pa rin to. Oras at araw lang ang nagbago. 

Ngayon na ang huling beses na sasabihin ko ito sa yo. Ngayon na ang huling pagkakataon na iisipin kita. Lahat ng bagay na dumaan, burado na. Pati buhay ko, bago na. Ngayon na ang huling oras na mamahalin kita. Ngayon na ang tamang oras para sa lahat, para malaman mo kung gaano mo ako sinaktan. Tapos na yon lahat ngayon. Ito na ang huling araw ng paghihirap…Tama na, tapos na. Pero sa huling araw na ito, isa lang ang sigurado ako. 


Hindi ito ang huling araw na sinabi ko lahat to..

 

 

 

10 thoughts on “Bitter ka ba?

  1. yaan mo na .. nakakagaling din daw ang ampalaya eh….

    haisst bakit ba habang binabasa ko ito parang ako iyong nagsasalita.. parang gustong gusto ko rin sabihin yan… ganon na ganon.. bitter ba ako? I need to be bitter to forget the past.. I need to blocked to good memories and entertain the pain , endure, to fully recover from the heartaches… ang sakit pero gaya ng sinabi mo… ito na iyong huling araw ng paghihirap.. at im looking forward para masabi ko rin sa kanya na…

    ” im almost over you”

    • hi lambing..i know and i believe na masasabi mo sa sarili mo na “im almost over you”..d naman masama ang magpakabitter eh..its a human nature. dumadaan talaga tayo sa ganitong aspeto ng buhay…hayssss…..

      Like what you’ve said ” need to blocked to good memories and entertain the pain , endure, to fully recover from the heartaches”… love it..still matatapos din ang bawat paghihirap…

      see yah around..;-)

  2. Minsan ko na rin tong naranasan na halos pakiramdam ko di ko sa siya kilala. Pero ngayon tinanggap ko na, kasi ako rin yung matatalo sa huli.

    Maaayos din yang nararamdaman mo towards her.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s