Muling napaisip.

Ilang taon na ring nakatayo ang mga depensa ko laban sa kagaguhang tinawag na pag-ibig. Ani ko sa sarili ko, di ako magpapalamon dito. Di ko pababayaan na bigyan ako ng sugat sa mga kalokohang pag-ibig. Ang pag-ibig, ito ang alamat ng ating henerasyon. Ang alamat na kung saan binibigyan ng pinagmulan ang mga kalokohan ng sangkatauhan.

Hunyo noon. Sa isang napakaordinaryong araw, nakita kita. Sa isang istupidong araw, may isang istupidong tao, na walang pinagkaiba sa mga istupidong tao sa paligid ko, ang umupo sa harap ng pinakastupidong tao sa istupidong mundong ito. Siguro nakita na kita bago noon pero noon lang kita napansin. Ang ganda nga ng ngiti mo noon.

Sa unang tingin cute ka. Hindi maganda, kundi cute. Mataas kasi ang batayan ko ng kagandahan. May ideya ka siguro kung gaano kataas, isa ito sa una mong tinanong sa akin, kung sino ang maganda para sa akin. Para sa akin, isa lang ang maganda sa buong mundo, isa lang. Kaso di ko nasabi sa iyo, na pangalawa ka sa listahan ko sa mga pinakamagandang babae sa mundo. Na ikaw na ang pinakamalapit na babae, kasama ang mga nasa telebisyon at pelikula at supermodel, sa depinisyon ko ng maganda.

May malaking kabobohan kang ginawa. Kinausap mo ako. Ibang klase kang kausap, iyon ang kwento ko sa kaibigan ko noon. Ayun na, nawili na akong kausapin ka mula noon. Nagkakilala tayo tapos naging magkaibigan tayo. O baka sa isip ko lang na magkaibigan tayo. Hanggang ngayon pa naman eh, kung tanungin ako, kaibigan kita. Pero ewan ko kung kaibigan mo pa rin ako. Doon mo napasok ang katakot-takot na depensa ko. At tanga naman ako, hinayaan kong pasukin mo ang mundo ko. Mula noong unang pag-uusap natin, hindi na sa akin ang buhay ko. Ibinilang kita sa mundo ko. Binigyan kita ng parte ng buhay ko maski wala ka namang hiningi, ni katiting.

Unti-unti, ikaw ang naging sentro ng buhay ko. Naniwala ako noon sa pag-ibig. Naniwala ako na mahal kita kahit di mo masusuklian ang pagmamahal ko. Ano pa ba? Paggising, ikaw. Pagtulog, ikaw. Sa panaginip, ikaw. Ang kasama, ikaw at di na yung barkada ko. Ang palaging kasama, ikaw at mga kaibigan mo. Kapag kasama ko ang barkada, ikaw ang bukambibig ko. Sa mga email sa kaibigan, ikaw. Ang kwento sa kaibigan, ikaw. Ang unang pumapasok sa isip ko, ikaw. Ang dahilan ko para pumasok sa klase, ikaw. Ang katext, ikaw. Ang kausap, ikaw. Dumating sa punto na hindi na ikaw ang sentro ng buhay ko, kundi ikaw ang buhay ko. Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw, ikaw… Nawala ako sa malaking ikaw!

Lumipas ang panahon, Nagsimula doon ang pag-unti ng dalas ng pagkikita natin. Bumihira ang pag-uusap natin. May pinasok kang mga pagkakaabalahan at ako rin. Yung mga dating ginagawa na kasama ka, mag-isa ko nang ginawa. Ewan ko kung tama yung naramdaman ko pero iniwasan mo rin ako. Sa madaling salita, nawala ka sa buhay ko.

Masakit. Hindi lang masakit lang sa puso’t isipan. Hindi lang basta masakit. Ito yung sakit na pinupunit ang kaluluwa mo, na parang niluluto ang lamang loob mo, na nasusunog ang katawan mo, na dinadaanan ka ng pison, na ginagarote ang utak mo, na nginangata ang sikmura mo ng daga, na hinihiwa ng lagari ang katawan ko, na parang unti-unti kang binabalatan ng icepick. Ganoon kasakit. pero hindi ibig sabihing minsan kang nasaktan eh mawawala na ang tiwala mo sa pag-ibig. masyado mo lang kasing hinayaang lamunin nya ang buo mong pagkatao, hindi ka nagtira pra sa sarili mo, kya defenseless ka talaga nung umalis sya. at syempre pa, ang walang kamatayang advice: believe again, take the risk, then move on. life did not end when she left. here in the world, someone’s waiting for you. just keep on seeking, believe, and you’ll find her eventually.



 

6 thoughts on “Muling napaisip.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s