Fathers’ day

d1

Tatay,

Kagabi, pagkatapos kong madisconnect sa net, naalala na naman kita. Mag iilang buwan na rin pala na mula nung huli kitang nakita at nakausap pero parang nandyan ka lang sa harap ko, pwede kong hawakan at yakapin tulad ng ginagawa ko dati.Pero kahit hindi ka na nakakapagsalita nun sa higpit lang ng pagkakahawak mo ay damang dama ko ang mga bagay na nais mong ipabatid … 

Minsan iniisip ko kung nandirito ka pa kaya ngayon,ano kayang buhay meron pa rin ako?Kung hindi na lagi magmumukmok si mama at walang puknat sa pagiicip sa nangyari sayo.At kahit ganon na lang ang kalagayan mo noon  pero ang saya-saya pa rin namin kasi alam namin na nandiyan ka lang.. Sabi nga nila, may mga  taong sadyang ginawa lamang para makapiling natin kundi man habang buhay eh pansamantala lang. At ikaw ang taong yon.Marahil. Dahil sa iyo, namulat ako sa katotohanang na maari palang isipin ko na minsan sa buhay natin may mga bagay na di dapat natin pinapalagpas. Lahat gusto kong ibigay sa iyo,lahat gusto ko ikwento ang mga bagay na nangyayari sa akin. Kungsabagay, hindi naman talaga maari nun kasi alam ko hindi ka na rin makapagbibigay ng reaksyon dahil alam kong hirap ka ng makapagsalita at tanging mga mata mo na lang ang nakapagbibigay ng kaliwanagan sa akiin. Walang pormal na pagkakataon na ibinigay ko sa iyo ang mga bagay na nais mong mangyari sa akin buhay. Ewan ko ba. Bakit pa natin bibigyan ng tawag ang isang pangyayaring alam natin na talagang tadhanang maganap?

Patawarin mo ako kung para sa iyo nakapagsabi ako sa iyo ng mga masasamang salita,kung minsan naiicip ko habang nabubuhay ka pa at patuloy na nakikipagsapalaran kay kamatayan ay pinapanalangin ko sa DIYOS na sana nga ay tuluyan ka na mawala para maibsan ang iyong mga paghihirap; hindi ko sinasadya ayoko lang nakikita kitang ganon.  Patawarin mo ako kung bakit hanggang ngayon eh ganito pa rin ako; na nawala ka na’t lahat eh wala pa rin nagbago sa akin…. 

Nasabi ko ba sa iyo kung gaano ka ka importante sa buhay ko? Na gusto ko sana kung saka sakali mang makatapos ako ng kolehiyo eh ikaw ang kasama ko sa pagtanggap ko ng diploma? Na nakilala ko na rin yung babaeng matagal ko nang hinahanp sa tanang buhay ko na wala na akong mahahanap ng isang katulad nya?Na kahit na hindi kami ganon ka lapit ng nanay eh mahal ko rin siya gaya ng pagmamahal ko syo. Na pagnakikita kita naiiyak ako kasi hindi ko man lang natutupad yung mga pangarap na sana ay matagal ko ng maipagmamalaki syo? Na kapag hinahawakan  mo ako, parang ayaw na kitang bitiwan, dahil alm kong marami kang bagay na nais mong sabihin, nandoon ang pagmamahal mo sa akin? Na kapag nakikita kitang nahihirapan na sana ako na lang ang tumanggap ng paghihirap na dinadanas mo noon gusto ko nang mamatay dahil ayokong nakikita kang  ganon? Na hindi ako nababaduyan nung sabihin

ko sa mga kaibigan ko na mahal na mahal ko ang tatay ko kahit ganon lang siya,  kahit na ang sabi ko ay punong-puno ka ng kaewanan? Na alam ko nasasaktan kita nung mga panahon na hindi man lang kita binabati o binibiro man lang?Na bawat salita mo, bawat aksyon mo, bawat pikit ng mata at emosyon na lumalabas sayo,(nung kalakasan mo pah!!) alam ko dahil yon ang natutunan ko?

Ngayon alam mo na….

Pero may silbi pa ba ang lahat ngayong wala ka na? Na kinuha na Niya?

Humihingi ako ng tawad kasi hindi na kita nabibisita. Pagkatapos ng unang dalaw ko sa iyo, hindi na nasundan pa. Sana kahit sa panaginip, magkita tayo. Ang dami kong ikukwento sa iyo. Baka nga batukan mo pa ako.(biro lang!!!) kase alam ko ni kantiin ako hindi mo man lang nagawa kahit alam kong galit na galit ka na…. 

Pano, hanggang dito nalang siguro. Naiiyak na naman ako;ilang araw na rin nung huli kitang maalala. Maligaya ka na, at ako, ayun, tinatahak na sana ang daan ay patungo sa kaligayahan.

Huwag kang mag-alala, gagawin ko kung ano ang nararapat para tuparin ang pangarap mo. Na sana makikita mo ang kaligayaha ng buhay ko  sa pamamagitan ng mata ko.

Salamat sa lahat, sa pagpapahalaga ng buhay sa akin.

Nawa’y bulungan mo ang DakiLang Lumikha na dalhan kami ng swerte dito sa lupa…..

Salamat itay mahal ka namin……

-nagmamahal-


One thought on “Fathers’ day

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s