Lasing.

Habang nakaharap sa serbesa ay humahabi ng taludtod..sa kaliwang kamay ay serbesa, sa kanan naman ang pluma ..para bang mahiwagang panitik itong sa tula ko’y nagdadala!

Samut sari tinotoma ng makatang inyong lingkod..
Umaasang makalilikha ng malawak na mga taludtod..

Sa Red Horse, ang abang makata’y lumalakas ang sipa
Sa San Mig Light, lumilipad kanyang diwa

Sa Ginebra Bulag, mata’t isip ay natutulala
Sa Tequila Nombre, lalong tumataas ang tama

Sa Fundaddor, tumitikas ang paglikha
Sa Gran Matador, bumabangis ang talinghaga

Sa Colt. 45, bumabaril ang makatang aba!
Sa Gilbeys gin, ginagawang alak ang bitamina!

Sa lambanog, buong paligid gumaganda..
Sa Tuba, humahabi ng salita sa knyang sinisinta!

*hik*..ako’y hilo na..ako’y lasing na
Muling nakalikha ng isang obrang may tama!

5 thoughts on “Lasing.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s