Single ka?

 

One of the group ka noh? Siguro natatanong mo sa sarili mo kung bakit ka single. Eh bakit nga ba. Pusta, kapag nakakakita ka ng dalawang magkasintahan sa park o kaya sa mall ay natatanong mo sa sarili mo “kalian din kaya ako magiging ganon?..

Bakit ka nga “single”?..May mali ba sayo? May kulang ba sa iyo? May almuranas at balat ka ba?…Bakit “unattached” ka? Bakit ?..Bakit..at maraming bakit..

Minsan darating talaga sa buhay ang pagiging “single”. May mga taong nagkakagusto sa’yo. (Wag mo nang pagpatuloy basahin to pag wala)…Mayroong isang tao ang pupukaw sa iyong pagkataon at magbibigay ng atensiyon.. Natanong sa kin ng isang pinsan ko ng mag-abay ako sa kasal. “Insan, sa susunod ikaw na ang ikakasal ah”… sabay tingin na may halong ngiti. Hayaan mo ibahagi ko sa iyo kung bakit “single” at wala ka pang asawa hanggang sa ngyon.


Una. Mataas ang “standards” mo siguro.  Mga mala Adonis ang tindig, Aga Muhlach ang ngiti at Derek Ramsey ang gilas ang hanap mo. O kaya mga tipong “Angel Locsin at Angelica Panganiban” pero mala Bentong naman itsura moh. Aba! Baka pede mo naman i-level up ang sarili mo. Ibagay ang sarili sa dapat pakibagayan., yung makatarungang pamantayan lang. Baka naghihintay ka ng mga mayayaman na mala “Manny Pangilinan or Lucio Tan”.. Di dapat ganon. Kung ganon nga, eh wala talagang mangyayare sayo. Di man bigay sa lahat sa tin ng Diyos, di bale ng salat sa “facebook”, kung sagana naman sa kabaitan at kabutihan. Di bale ng salat sa karangyaan at kayamanan, kung mayaman naman sa talino at pagpapakumbaba.

Pangalawa, baka naniniwala ka sa salitang “destiny”. Kalokahan. Kaimpokritahan. Eto ung mga naghihintay kay “Destiny” na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga partner in life…Hindi mo ba alam na kung walang effort, destiny is useless.

Pangatlo. “Trauma” mula sa bigong pag-ibig, Shaks! Nakakarelate ako jan. Ito na siguro ang kalimitan ng mas nakakarami. Yun tipong. Ayaw ko nah. Napagod na ako. Ako na lang palagae. Shaks! drama ng buhay. But its true. Eto un dahil sa past relationship mo, hanggang ngayon ayaw mo pa muling umibig at sinumpa mo na ata ang magmahal. Iniwan ka, pinagpalit ka sa mas “better”, na fall out of love, langit at lupa ang drama, na hindi ko kaya suklian ang pagmamahal mo at marami pa iba. Di ko na babangitin pa ang iba at baka tumulo pa ang luha.

Pang-apat. Kaibigan Theory. (friendship theory). Makakarelate lang ang ilan kung ang buhay ay kay bestfrend or special frend na hindi masabi ang tunay na saloobin sa mahabang panahon. Na tipong di mo masabi na baka masira ang magandang pagsasama na pinagkaingat ingatan sa nagdaang taon. Yun tipong nag jejely ka pag si bestfriend may bago nang iba. Kapag nalungkot si bestfriend ikaw ang crying shoulder at ikaw si “support” at sinasabi mo sa loob loob mo na “ako na lang”..Mahirap din yan. Baka mamaya parehas lang kayo naghihintayan.

Panglima. Siya pa rin syndrome. Oh my God. Kakapanood mo yan ng “Basha at Popoy” na movie eh. Mga tipong “I cant live my life without you. Yun tipong isang taon, dalawang taon at ilang taon na ang nakalipas  “siya” pa rin ang hinahanap hanap  mo. Mga maraming taon pinagsamaha, tawanan at iyakan. Mga bagay na nangyare sa inyo na hindi mo talga malimutan. Oh my dear! Mahirap man at sa kung ano mang kadahilanan, mabuti man at masama ang idulot nito pero kelanang nyong magpaalam sa isa’t isa. Harapin ang panibagong bukas ng nag-iisa.

Kapag naguusap ang tropa bout lovelife. Sasabihin mong “wala na”. Pero “siya” pa rin naalala mo. May ngiti, kirot at “ouch” na bumabagabag sa ating kalooban. Eh kase nga “Mahal mo eh”.   Isa lang masasabi ko diyan. “open your heart and let love come in”. Try something new.


Hays. Hindi kahinaan ng isang tao ang pagiging “single”. Bakit? Magkakaroon ba ng world peace kapag nag-asawa ka na. Wag kang magmadali. Baka naman nililimbag pa sa libro ng pag-ibig ang taong nararapat sa iyo. Hinahanap pa ni Lord ang magandang pangalan na ikakabit para sa iyo. Baka daw kase pag di mo trip eh i reject mo pa, kaw rin.

Ipagdasal mo. Na hindi ka mapagod kakahintay. Luma man at palasak na ang linyang  ito. Di ako magsasawang sabihin. Darating din yun. Para sa iyo , para sa iyo. Ano mang iwas mo, para talaga sa iyo.

Gaya nga shout out ko noon sa fb. “Dear Love, please next time kung dadating ka isama mo naman yung tropa mong si Right Time.   😉

25 thoughts on “Single ka?

  1. Bet ko ‘to . “Dear Love, please next time kung dadating ka isama mo naman yung tropa mong si Right Time.”…panalo! I also agree with this statement “Baka pede mo naman i-level up ang sarili mo. Ibagay ang sarili sa dapat pakibagayan.”

    Minsan kasi hintay lang tayo ng hintay without doing anything. One thing I’ve learned about waiting is while you’re on that stage, you have to prepare yourself so you’ll be a blessing also to that man/woman when he/she comes. Dapat laging ready. Ang taas nga ng standards mo eh ikaw mismo hindi papasa sa standards na na-i-set mo…hehehe…hehehe…no need to rush nor worry ’cause God will always give the best to those who wait and to those who trust His choice. Besides, His thoughts are higher than ours.😉

    • Thanks for that though. there is always a right time for everything kahit nga ang love di ba..God has a better plan for us..gaya ng iyong turan God will always give the best to those who wait and to those who trust His choice. Besides, His thoughts are higher than ours. ..love it too😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s