Kaarawan

Muling dumating ang ika-apat ng enero
Minarkahan, nilathala dito sa kalendaryo
Taon na nakalipas, inilimbag sa kwaderno
Buhay na tinahak ko, dami palang nagbago
 
Mahigit dalawang dekada na dito sa mundo
Nasnaw na mailap, di alam san patungo
Buhay masaya, puno ng misteryo
Ay bugtong din ng pagsuyong may pribadong alpabeto.
 
Limit kong ituring na sa king tadahana darating
Mga inukit na pangarap akin sana marating
Imposible man at mahirap aking mithiin
Sa tulong ni Yahweh akin itong makakamtin..
 
Kasabay ng paghabi ng aking bawat taludtod
Maging maligaya sana ang inyong abang lingkod
Masukal man at malupit mga darating pang pagsubok
Aking haharapin na walang pag iimbot..
 
“Maligayang Bati”  sakin tinaguri, 
Sa regalot pagbati hindi kayo nag atubili
Pakikisamat, Pakikitungo kelanman di mabibili
Sa aking mga labi nagdulot kayo ng ngiti
 
Salamat mga kaibigan, kapamilyat kainuman.
Ngayon at kailanman, ni diyo ko iniwan.
Walang pagpapangap, laman kayo ng aking isipan
Kundiman kayo sa king puso na sa king wikay inyong napakinggan….

One thought on “Kaarawan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s