Babae nga naman.

Ang mga Babae nga naman.

Linggo.  Araw ng aking pahinga. Naisipan kong lumabas at tumambay. Sa pagkakatambay ko sa kanto naglabasan na rin ang ibang tropa. Hilig din naming ang pagtambay kundi lang sa pagpapalipas ng oras kundi pati na rin pagusapan ang mga bagay bagay at buhay buhay.

“Nakita mo ba un bumaba sa taxi, Ganda brad” tugon sa akin ng isang tropa ko. “Boarders ata un ni Inda ah”, habang ngingising hindi mo mawari..

“Brad, tama na pag iilusyon, iisa lang mga karakas ng mga yan” ang tugon ko naman. “

“Eh bakit mo naman nasabi yan? “ ang turang balik sa akin.

Yan mga babae, pare parehas lang.  Babae,  paasa, dominante, magulo, papalit palit ng isip at ang hirap maintindihan.

Alam kaya ng mga babae kung gaano kahirap sa mga lalake ang magpapansin at gumawa ng “move” para mgagtapat ng pagmamahal? Yun tipong lahat ng kakornihang bagay kahit na nagmumukhang tanga ka eh, ginagawa mo para lang mapansin. Kahit na dinadaan mo na lang sa biro ang tunay mong nararamdaman, masabi mo lang sa mga babae ang totoo mong nararamdaman. Eh yung hirap sa panliligaw at pagsuyo. Isama mo na   jan ang feeling kapag “nabasted ka’ . Malamang isang malaking “HINDI”. Wala naman silang pakialam sa mga paghihirap natin eh. Alam lang nila manakit at magpaasa. Sa palagay mo?.

Simulan natin sa ganito. Poporma tayong mga lalake. Shempre si babae  papakipot, paabutin pa ng ilang araw or buwan para lang pasagutin ka. Sa haba haba ng tuloy in the end sasagutin ka rin naman. Ang daming rason, na kesyo “pagiisipan ko pa”, “ambilis mo naman yata”, “kelangan kilalanin ang isat isa” na kesyo agresibo raw tayong mga lalake at nagmamadali. Natural nagmamadali rin kame. Sa una pa lang sana sinabe niyo  na kung ayaw niyo na eh bakit pa patatagalin. Bakit niyo pa pahahabain kung sa una pa lang gusto niyo na rin pala. Kelangan pa namin gumasta, magsakripisyo, magtipid at magtiis. Pucha naman oh, ano yan bangko?kelangan mag invest.

Eh yan na sinagot ka na, ika nga eh “In a relationship mode na”. Pasalamat pa raw tayo dun at in return kelangan natin  bayaran ng mas higit pa. Sa una, kelangan, malambing, maunawain at mapagkakatiwalaan. Kelangan daw tayong mga guy ang hahawak ng “relationship”. Pero pag tayo na ang nagdadala, ang dami naman nilang inaangal. Sasabihan kang “demanding, “, “possessive” at nakakasakal. Dun na papasok ang pagiging astronaut mo boy dahil sasabihan na ni babae ang walang kamatayang “ I think we need some space” at kung ano pang mga kemeru.  Damn!.

In the middle of relationship..away-bati. Tayo ang aayos kung may gulo, tayo ang kakarinyo. Tayo ang dapat magpakabait at magpakumbaba, Tayo ang unang dapat mag “sorry”, tayo ang unang lulunok ng “pride”. Tayo! Tayo at walang iba kundi Tayo..

Sila? (*isip???)

Sila lang naman magdidikta kung ano ang limitations at expectations. Sila magseset ng mga dates at lakad,  Sila ang pipili ng lugar na kakaininan, panonoorin sine at bibigay na regalo. Sila magsasabi kung kelan pede tumawag at magtext. Sila magsasabi kung kelan pede silang biruin at may buwanang dalaw sila. Sila ang magsasabi kung hanggang saan, kalian tatakbuhin ang relasyon ninyo. Ewan. Babae talaga sila. Mahal lang natin sila kaya inuunawa na lang natin ang lahat ng iyon.

Sasabihin nila mas masarap silang magmahal, “ dyahe.. “Mas sincere pa tayo”. Iba tayo eh. Hindi lang parang pelikula. Seryoso at makatotohanan…lubus lubusan at tagusan. “Mas mature sila” di rin…dahil ang alam ko mas “future” tayo  magisip. Advance at lagi natin iniisip ang kaligayahan nila. Higit sa lahat mas kaya natin mag sakripisyo.

Ang ending ng relasyon. Kapag happy ending, shempre ganda points sa mga girls. Pero pag naghiwalay na, either sawa na, may mas nakitang higit pa sa atin , na “fall out of love”,  and “i need time and space”. Asar. Guys don’t have any choce but to follow them.

Wala na, Sira na tayo mga lalake, la nang magandang imahe. Tayo ang lalabas na “guilty” at may kasalanan, “playboy” at nagpapaiyak. Tayo ang kontrabida sa buhay nilang aping api at luhang luha. Sasabihin,” ayoko na. Tama na. Kaibigan na lang tayo. Yun lang kaya kong ibigay. “

Thats the only consolation that we could have guys..Magmumukmok sa apat na sulok ng kwarto. Tulala. Magiisip “what went wrong?..Sasabihin natin “di ko kaya shet, “ habang nalagok ng red horse. Mag iisip ulit kung paano mabuhay ng single. (*sigh)..

Hayyssss….”Ano brad” sabi ko syo ang hirap eh. Lagi ka na lang iiwan sa huli. Ano pa hihirit mo? Sabihin mo lang,’’

Ako?..ewan ko! Kung dapat pa sila pagkatiwalaan. Chill chill lang muna. Uupo sa kanto. Titingin sa nagdadaang mga babae habang hawak ang bote ng pop cola, mag mumuni muni. Mag iisip isip…

Babae nga naman.Tsk.

 

6 thoughts on “Babae nga naman.

  1. ahaha! tuwing makakabasa ako ng ganitong senti ng guys, nae-enlighten ako, as in… una, na ma-emote rin pala ang mga lalaki. dinaramdam din pala nila ang gayon, ahaha… secondly, nahihirapan din pala kayo? parang sa tingin, parang hindi naman…

    kasi, kayo, ang pa-project nyo ay cool lang kayo. na kesyo mapagbigay kayo. na oks lang sa inyo ang papalit-palit ng isip, that it’s no trouble at all, ahaha! so, ayon pala, posing lang yon? 🙂

    • now you know kung ano ang mga sentimyento at paghihirap naming mga lalake…hehehe..kase feeling ko un ibang mga kababaihan lagi nilang iniisip na sila ang dehado..sila ang talo..at sila ang laging mali..well, in guys points of view..heto kame mga lalake..🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s