Miss ka na NIYA.

May mga pagsubok din akong dinadanas ukol sa relasyon ko sa mga kaibiga’t ka-pamilya, pati na rin sa trabaho, pag-ibig at mga bagay bagay sa paligid.

Dahil sa mga bagay na nabanggit, naapektuhan ang kalidad ng pakikisama  ko. Hindi ako makakilos ng maayos. Hindi ako makapag-isip ng diretso. Napakasama ng loob ko dahil pakiramdam ko ay napagsakluban na ako ng langit at lupa. Yung para bang lahat ng tao ay walang pakialam sa iyo. Dati-rati, iisipin ko lang na higit na madami pa ang may malalaking problema kumpara sa akin at gagaan na ang pakiramdam ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi na epektibo ang ganung pag-iisip at naisip ko pa na marahil ay mas swerte pa yung mga patay kaysa sa akin.

Pero nagbago ang lahat ngayong gabing ito. Dahil ngayon naalala ko ang Diyos. Matagal-tagal na rin akong nagiging masyadong busy para pumunta sa simbahan, magbasa ng Bibliya at kahit magdasal man lang.

Hindi ba kadalasan kapag nagkakaproblema tayo saka natin naaalala ang Diyos? Hindi natin Siya binibigyan masyado ng atensyon puwera na lang kung may kailangan tayo sa Kanya. Ang sama natin ano? Palibhasa ay alam natin na hindi Niya tayo iiwanan at mahal na mahal Niya tayo. Abusado din tayo kung minsan, ano?

Ngayong gabi, naisip ko na baka namimiss na ako ng Diyos kaya binibigyan Niya ako ng ganito karaming pagsubok. Para kahit man lang dalawang minuto ng araw ko ay ibuhos ko sa pagdarasal sa Kanya. Para maramdaman naman Niyang mahal ko din Siya at mahalaga din Siya sa buhay ko.

Alam kong hindi maiwasan ang pagiging busy sa buhay natin. Kasama na iyon sa pagtakbo ng buhay eh. Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ayusin ang relasyon ko sa Diyos. Kung titingnan mo talaga, yun lang naman ang totoong importante sa buhay natin eh. Lahat ng pinagpapaguran natin ngayon, maaaring mawala sa isang iglap o mawalan ng katuturan. Pag nangyari yun, makakabangon ka pa rin kahit paano. Pero kapag tuluyan mong sinira ang relasyon mo sa Diyos, wala nang natira sa iyo, hindi ba? Iparamdam naman natin sa Kanya kung gaano natin talaga Siya kamahal.

Nakakaranas ka ba ng maraming pagsubok ngayon sa buhay mo? Magdasal ka muna, miss ka na Niya…hinihintay ka lang Niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s