Bakit ka maainlab?

Bakit nga ba ang bawat nilalang ay nahuhulog sa tinatawag na “pag-ibig”? Bkit nagiging stupido tayo upang makipagsapalaran, para lang masaktan sa dulot ng isang relasyon?
Sabi nila: “Falling inlove is one of the greatest thing that could ever happen to you”…Ows? Weh? Di nga?…

Siguro…ang mainlab ka ay parang ginigiltan ng blade sa leeg..Kelangan laging mag text sa girlfriend mo paminsan para lang malaman mo kung ano ang ginagawa niya. Kelangan lagi mo naalala ang pagbati tuwing sasapit ang monthsary. Kelangan lagi ka handa kapag lumabas kayo at niyaya mong mag-date at sumagot siya ng “Sige”. Kelangan may “good night and good morning” araw- araw..At kung ikaw ang tipo na galante, magbibigay ka ng mga regalo kapat dumarating angmga espesyala na araw, yun tipong nagiging exchange gift na ang nangyayare…Sigurado, parte ng sweldo at allowance mo ay nakalaan para sa agahan,tanghalian at hapunan…Mas maraming e-load or cards, mas maraming tawag at mas maraming regalo.

Tapos kung matampuhin si babae, kelangan mo pa ng karinyo. Kelangan mo gumawa ng mga stupidong bagay kahit mawala pa ang iyong dignidad at kahihiyan, gagawin mo. Kapag inlab ka, kelangan marunong ka humingi ng tawad, kalimutan mo ang napakataas mong “pride” na kahit ang mga magulang mo nga eh hindi nila magawang ibaba ito.
Sa lahat ng mga sakripisyong ito, eh bakit may naainlove?

Nagsimula akong magbalik tanaw dalawang na taon na ang nakalipas, nang ako’y nasa ganito rin sitwasyon. Nang huli akong umibig. Ang pakikipagsapalaran sa isang relasyon ay hindi ko pinili, hindi rin ito desisyon kung saan maitatanong mo sa sarili mo na “Kelangan ko ba umibig?…Kapag tayo na fall, hindi natin dapat bilangin ang responsibilidad na dapat iatang sa ating mga balikat. Naainlove ka kase nararamdaman mo yun. Nagiging masaya tayo kapag kasama natin siya, bilang kabiyak at nagiging karugtong na ng ating puso…

Sa kabila ng mga paghihirap, sakripisyo at dagok na dulot nito. Mas pinipili natin ang manatili kase nga alam natin na sa kaniya lang tayo lumiligaya. Nagiging magana at inspirado tayo sa bawat gawain natin dahil sa pag ibig. Nagagawa natin lunukin ang ating pride at dignidad na sa maraming taon ay ating pinagkaingat ingatan para lang sa kapakanan ng isang tao na naging bahagi ng ating pagkatao.

Kapag inlove, simple lang “masaya”. Kakaibang kasiyahan ang nadarama lalo na kapag nabatid natin na tayo rin ay minamahal, inaalagaan at pinahahalagahan. Ito yun kakaibang mahika na nararamdaman natin upang tayo ay magpatuloy, lakas na para lumaban, inspirasyon para marating ang paroroon, ito yun kakaibang nadarama na tumatagos sa bawat kalamnan ng ating katawan hanggang sa pagdaloy ng ating dugo patungo sa puso at utak. Ito yun kakaibang nadarama na kailan man ay hinding hindi mo makakalimutan na kahit ikaw ay nasa bagong relasyon na. Kahit malayo na, lagi lang siyang mananatili…mananatili na nagliliyab sa ating kalooban.

Kaya, bakit ako maiinlab? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, pag ako nainlab. Magpapaka stupido ulit ako gaya ng una, dalawang taon na ang lumipas…

2 thoughts on “Bakit ka maainlab?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s