Hays pag-ibig.

Ilang gabi na ang nakakalipas, pero ewan ko ba… hanggang ngayon bumabalikbalik ka pa rin sa aking alaala. Hindi naman bago yun pagdating sa iyo. Hindi ko nga lang sigurado ngayon kung maiinis ako o matatawa, basta ang alam ko, natapos na naman ang isang yugto sa makulay na buhay ko, salamat sa iyo.

Ayoko nang sayangin ang panahon ko sa pagpapaliwanag kung bakit laging nagsisink sa isipan ko na iniisip pa  rin kita ang kung sino na nga ang dumating pero ginive up ko at pinili pa rin kita.. Dati pa naman alam ko na yun, pero ewan ko ba, para kang softdrinks na hindi ko matigilan. Eh bakit nga naman hindi, sa araw-araw na magkasama tayo, manhid nga naman ang taong hindi mahuhulog ang loob sa’yo ulit? Ikaw pa, eh ang saya-saya mong kasama? Sabi nga nila, jive talaga pag nagsama ang dalawang hibang. Kahit mas hibang ka (biro lang po) Ako nahibang sa’yo, at ikaw… wow ha… hibang dahil hindi mo marealize na pang boyfrend material ang laging kasama mo. Tanga, ako yung tinutukoy ko. (hehehe……)

Kung alam mo lang sana kung gaano kalaki ang impact mo sa buhay ko. Hanggang sa mga bagay at tinutulong ko sa iyo, iniisip ko kung maaappreciate mo. Ilang beses ko nang sinabing “grabe pag-ibig na ito!” sabay bawi na… “hindi, t**gna! praning lang ako”. Pero kung ano man yun, ang natitiyak ko, nung unang pagkakataon na hinalikan kita, parang tumigil ang mundo ko. Daig ko pa ang isang binatilyo na nakaranas ng first kiss.Sayo ko lang naramdaman ang sarap i mean pinakamasarap na halik na natikman ko. Dun ko narealize na totoo pala yung mga korning pelikula na may background music pa habang halos malusaw sa intoxication yung mga bida sa kissing scene nila. Hanggang ngayon naman korni pa din sila, pero isipin mo na lang kung ano ang hitsura ko noon. Pucha! ang tagal na din yun at hinahanap hanap ko, pero para pa rin akong tangang ngingiti-ngiti sa tuwing maaalala ko yung ilang minutong of ecstacy na binigay mo. Grave kakaiba ang tama ang sarap ng feeling as in!!! Marami pang sumunod dun, pero hindi ko na ipapaalala sa’yo. Baka naman kasi isipin mo wala na akong ginawa kundi mag-obsess sa mga nangyari sa atin. Sa mga nangyari daw oh! Hehe.



Pero ngayon, sa tingin ko kaya ko na ba?. Sa tagal naman kasi ng pinagsamahan natin, Ang dami na rin kasing nangyari at nakakapanghinyang namin kung babalewalain ko ng bastas basta. Hindi naman ganun kalaki ang tingin ko sa pagkatao mo, lalo naman hindi ganun kataas ang expectations ko sa’yo. Sa kahuli-hulihang pagkakataon, ipinakita mo sa akin na tao ka lang ding katulad ko – mahina at may pangangailangan. Paulit-ulit ko mang isipin ang mga bagay na nangyari kasabay ng pagpigil oras andun pa rin ang katotohanan na hindi ito, hindi ako ang kailangan mo. Matagal ko na itong alam, hindi ko lang talaga matanggap. Matagal mo na akong binigo, ako lang talaga ang ayaw sumuko.

Oo, minahal kita. Oo, tatanggapin ko lahat-lahat, paulit-ulit mo mang durugin ang puso ko. Wala na yata akong hindi gagawin, para lang sa’yo. T**gna, pag-ibig na nga ito! Pero sa pagkakataong ito na lagi ka lang parati at nagpaparamdam masya ako  at iyon na nakita ko ang mga ngiti  na galing sa mga mata mo, parang pinawi mo na lahat nang nandito sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit o kung papaano… pero para mo na din akong binulungan ng “salamat sa pagmamahal, pero hindi ako karapat-dapat sa pag-ibig mo.”


Akala ko dati, susuko ako sa’yo dahil sa sama ng loob. Sobrang sama na tipong hindi ako mangingiming ipalamon ka sa mga pating, kasama ng mga alaalang namagitan sa atin. Akala ko dati, susuko ako sa’yo dahil hindi na kita kayang mahalin. Dahil pagsasawaan ko na ang paulit-ulit kong pagbangon sa tuwing dinudurog mo ang puso ko. Nagkamali ako. Mali pala ako sa inaasahan ko bahagyang hinigpitan mo ang turnilyo ko… kasabay nun ibinalik mo nang buong-buo ang puso ko..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s