Ang aking Kuwaderno…

Ito ang aking munting kwuderno. Alam kong lahat tayo ay may kanya kanyang kwuaderno. Hindi lang siya isang ordinaryong kuwaderno kundi isang napakahalgang bagay na naging saksi sa paghubog at paglago ng aking pagkatao. Hindi pa uso ang wordpress, facebook, friendster, myspace, multiply at kung ano ano pang networking site ay mahilig na talaga ako magsulat. Bago ko pasukin ang mundo ng blogasperyo ay sadyang nakahiligan ko nang ilahad sa munting papel ang mga bagay at saloobin na ayoko palagpasin at kagyak ng aking paglalakbay.

Hindi lang basta salita at tinta mula sa mga pluma ang nakapaloob dito. Bawat tangis na nagmumula sa pluma ay nakasulat ang mga damdamin, hinuha, pangamba at maging mga alaala na pinaglipasan ng panahon. 


Dito ko naisusulat sa tuwing ako ay masaya o dili kaya ay malungkot. Kapag may pait at galit.  Kapag  ako’y nadadarang at natutukso. Kapag ako’y bigo at silakbo. Kapag  ako’y nanalo at nagtatagumpay.  Ito ang nagisislbi kong hingahan, kanlungan at seguridad. Hindi ako nagsusulat dahil sa alam kong kaya ko, kundi nagsusulat ako dahil ito ang alam kong nararapat. Dito napapaloob ang ilan sa aking mga sulatin at mga lathalain na nakakubli sa aking sarili. Dito nakasulat ang mga pangarap na nais kong mabuo. Dito nakalathala ang mga epitomiya ng aking nagsusumidhing damdamin. Dito nakalakip ang ilang mga tula at dula, mula sa pagkabigo hanggang sa pag-asa na inaasam. Dito ang bawat pahina ang nagsisilbing personipikasyon sa pagharap ng bawat hamon ng panahon.

Dito, dito at tanging dito nagsisimula at umiinog ang aking mundo mula sa aking mumunting kuwaderno.

Ang lamang ng may alam…

Malalaman lamang ang nilalaman ng may alam pag alam mo na may laman,

at alam mo na may alam.. Nalalaman mo yung may laman iba sa may alam

at malamang na ang lamang yung may lamang sa may alam..;-) “

Confused?…

Confused bang masasabi yung tipong:

Alam ko naman kasi at sigurado ako na mahal ko siya. Kaya lang hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung masaya nga ba talaga ako. Kung masaya na ako kapag nagkikita kami, magkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari bago kami nagkita, tapos, kakain, matutulog.  Then, kung bakit pakiramdam ko eh, wala naman talagang relevance ang existence ko sa totoo niyang buhay, IMAGINATION ko lang na meron.

Yung tipong parang ayaw niya akong isali, o worse, hindi pa siya aware na may totoo siyang buhay. Masaya na ba talaga ako kasi hindi  masyado na kami nag-aaway? Kasi  masaya na yung mga panahon naming magkasama? Kahit alam kong hanggang dun lang kami ngaun, fun.

Ayoko naman sigurong tanggapin na lang na ganun lang talaga kasi magkaiba na ang mga mundo naming dalawa. Hanggang kelan ko ba hahanapin yung true essence ng relasyong ‘to?

Siguro nga, tanggap ko na na hindi talaga siya. Takot lang akong umayaw. Mahirap kasing umalis at hindi mag-look-back. Hindi ko yata kaya. Andami na kasing nangyari, tumagal na rin kasi. Yung ala nandito pa rin???

Mahirap na para sa’kin alalahanin kung paano buhay ko nung hindi pa siya kasali dun at kung anong magiging buhay ko kapag parte na lang siya ng nakaraan.

Hihintayin ko pa rin ba? Baka na lang mali lang talaga yung panahon para humingi ng meaning. Kasi, nung una naman, bago mabilis na lumipas ang panahon naramdaman ko naman na niyakap niya ang kaluluwa ko nang mahalin niya ako. ….

San na ang barkada?

Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob 
Pagmumukha mo ay hindi maipinta 
Nakalimutan mo na bang tumawa 
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa 

Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo 
Ay isipin na lang na ang buhay kung
Minsan ay nagbibiro 
Nandirito kami, ang barkada mong tunay 
Aawit sa ‘yo 
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa 
Kami’y kasama mo


 

Musmos pa lang ay magkakasama na kami. Simple at payak lang ang buhay namin nuon. Kakain tapos maglalaro, maglalaro tapos kakain tapos matutulog. Tumbang preso, tatsing tatsingan,taguan, patintero, langit lupa, luksong baka at kung ano ano pang mga pambatang laro. May mga “balatsoy”, may parating taya at meron din mga “balagoong”. Nandiyan un naliligo sa ulan ng mga nakahubad, manghuhuli ng gagamba, magtatamblingan sa may buhanginan, sabay sabay na magpapatule at maglalangas ng dahon ng bayabas at kung ano ano pa. Ika nga kay simple lamang ng buhay bata nuon. Walang mabibigat na suliranin.

 

 

Habang lumalaki kami, unti unti namin nakikilala ang bawat pag-uugali ng isa’t isa. Mayroong, medyo bading, antukin, praning, makulit, matalino,maramdamin at malikhain. Kumpleto talaga sa rekado ang barkada namin. Gayunpaman, nagkasundo sundo kame kahit iba’ibang ugali at personalidad. Pinagtagpo tagpo yata kami ng tadhana para sa mga natatangi naming adhikain.

Salat man ang ilan sa min ng edukasyon, di man nakatuntong sa kolehiyo pero sagana naman kami sa prinsipyo at panindigan sa buhay. Wala mang angking dunong mula sa libro at kwudarno pero madiskarte naman sa buhay.

Sabay sabay kami mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog. Mula sa panliligaw, pambobola at pagdiskarte sa mga sinisinta. Mula sa trobol at gulo. Mula sa paghawak ng gitara kasabay ng pagkanta. Mula sa pagsisid at paglangoy sa malalim na dagat. Mula sa pagakyat sa matatarik na bundok. Mula sa pagtampisaw sa tahimik na dalampasigan. Mula sa pormahan at kulitan. Kami ay magkakasama.

Walang lihim na tinatago at sikretong hindi namin alam. Lahat ng baho at kalokohan sa isat isa ay alam na namin. May mga tampuhan at di pagkakaunawaan pero hindi matatapos ang araw na hindi kami magkakasundo.

 

 

Nang maglaon kasabay ng paglipas ng panahon ay nagawa namin sumakay sa bawat hamon ng buhay. Unti unting namulat sa mga dagok ng pagsubok at namulat sa mga kamalayan ng ating mapaglarong lipunan. Nariyan ang alak, droga, sugal at kung ano ano pang mga away na nakasangkutan. Bawat lagok ng alak ay kasabay ang mga pangarap na unti unting naglalaho.Bawat hithit ng droga ay hatid sa alapaap ang dala, anong tayog man ng lipad ay siya rin ang taas ng lagapak. Bawat lustay ng perang pangsugal ay siya ring pagkasira sa darating na kinabukasan. Bawat basag ulo na kinasasangkutan ay siya ring himas na rehas ang iniiwasan. Magpasaganon pa man, ano mang hambalos ng buhay, ano mang unos na dumating sa aming samahan ay sama sama naming hinaharap kasabay sa pag-ikot ng tagay.

 

Nasaan na ang tropa ngayon? yan ang aking tanong. Marahil abala sa pagpupunyagi upang maiahon ang antas ng kani-kanilang pamumuhay. Naging madalang man ang pagkikita kita pero sa puso at isip kami ay di nagiiwanan…May nasa abroad, may seaman, may call center agent,  may promodizer, may pa sideline sideline, may umasenso, may mapera, may nag-asawa na, nagkapamilya at kahit nangaliwa wala sa amin ang nagpapataasan. Kung sino ang meron siya ang taya. Kung sino ang mas nakakalamang siya ang nagpaparaya. Pero ang bawat suporta ay sapat na hindi kayang tumbasan ng anu mang salapi.

Nasaan na kayo ngayon? may isang daang piso ako ngayon. Baka gusto niyo dagdagan at may isang lapad na empi na tayo. Pakilabas na rin ng gitara at ako na rin bahala sa pagkanta. Kahit wala ng pulutan. Yung mga kwento niyo lang, asaran at hagikgikan ay sapat na. Heto ako na ang tatagay!

Just a thought…

 
Just a thought:
 
  • -kahit gaano karaming barya ang ihulog mo sa wishing well
  • -kahit gaano karaming falling star ang makita mo
  • -kahit gaano mo hilingin at ipanalangin
  • -kahit gaano karaming hibla ng buhok ang malagas
  • -kahit gaano karaming bulalakaw ang nabilang mo sa kalawakan
  • -kahit gaano karami ang laklakin mong alak
  • -kahit gaano karami ang hithitin mong sigarilyo
  • -kahit ano pang gawin mong tumbling at planking
  • -kahit anong sipag mo pa
  • -kahit anong bait mo pa
  • -kahit anong talented mo pa
  • -kahit anong yaman mo pa
  • -kahit anong cute mo pa
  • -payuhan ka man ni Simsimi
  • -ibenta mo pa kaluluwa mo
  • -manalangin ka man ng sampung Ama Namin
  • -maglakad ka man ng paluhod sa simbahan ng Quiapo 
  • -magnovena ka man ng gabi-gabi
  • -magbaba ka man ng “Pride” at “Ego” mo
  • -mapaos ka man sa kasasabing ako na lang
  • -magmakaawa, maglumpasay, humagulgol ka ng iyak
 
Ano mang hiling mo at ano mang dasal mo may mga bagay talaga sa mundo na hindi na pupwede. Stop it. Tama na. Its over .Kung ayaw na..Huwag nang ipilit kahit ipaglaban mo pa. Dahil kapag pinilit mo masasaktan ka lang at maiiwan ka lang sa kawalan.

A fathers love 2

I was on the park sitting on a bench when i saw this man guiding his Dad to walk. When suddenly i rememember my Dad back then. Here how it goes.

It was Saturday mid night(January 8, 2005). We were all sleep in the middle of the night. Then, my Tatay passed away by saying nothing, nothing at all.  I was sleeping back then inside my room . Suddenly, a noise woke me up at almost 2am — a distress cry from my Nanay and ate. Tatay couldn’t breath my sisters said..My family didn’t decided  to rush him at the hospital coz the fact that the doctors said he will be stay at the next 48 hours. 

At the house Tatay was struggling from death.

My sister told me before he died she was holding his hand and as for the very last breath tatay’s eyes open widely just to see who is surrounded him; unfortunately i was upstairs praying for what will happend next. My relatives were all around him, helping to calm him. And my ate, as the eldest, was comforting my mother at the couch near the bed where my father lie. I walked in and out of my room… worried,very worried but remained tough as no tears were shed yet. Then Tatay calmed down unnaturally. It’s like something happened to him that we didn’t know. And my mother whispered, “Wala na?” trying to remain tough for us. I don’t know what to answer. I just said to myself “LORD kayo na po ang bahala sa kanya”.. 

It was not yet the end. Honestly, the doctor decided ask to put Tatay in the better hospital which has better facilities just to extend his life; for better care. But me and my sister decided not to; practically speaking to avoid a lot of expenses just to know in the end we will also lose him. When the doctor went out to tell us what he was find all about, as if we didn’t know, the tears we’ve been holding on started to fall. We will lost Tatay.

I could never ever describe how sad and painful it was for me to lose him that day. I was so hopeful. I was not ready. I never told him how much “I love him” and how much I care. And now I won’t be able to… but I know that he knows that. 

I feel guilty for not taking care of my father  regularly. I feel guilty for not spending even a couple of minutes to hear his voice and to tell him how much I love him. I love my tatay, I really do. I just didn’t give much time in showing him the extent of my love. If only I could retrace my steps, I would have done everything to make him feel that I love him, and that he is always in my prayers.

The pain hasn’t really sinked in. I’ve cried a lot but the tears would not change the fact that he is forever gone from us.

He had a smile on his face(that’s all i know). He died peacefully. And yet everytime I try to look at his picture, I begin to cry again. I dont know why. Maybe I just cant accept the fact that he is already is gone. Or maybe its just guilt. I’m guilty for the fact that I wasn’t as good as an Ate for tatay. That I wasn’t there to help him ease the pain. That he could be the one paying for my sins.

Honestly,I’ve been questioning God. I’ve been asking Him all the Why’s. Why tatay? Why now? Why so soon?. I feel sad because I could not find the answers to my questions. That I could not think for the answer, or flip my brain to give me reasons not to doubt God decisions. But God only knows the answer to our sorrows.

But, I thank God for lending tatay to us, even for a short period of time. I thank Him for giving Him the voice we will remember forever. I thank Him to easing my father’s pain and welcoming Him into His arms. My father suffered. I’m glad its over… he can no longer feel the hurt. I’m glad God didn’t make him suffer so long. He has healed my tatay’s soul. And I thank Him for blessing me with a father who has made everybody happy every minute of his life. His love and his pure heart has touch our whole family and will always remain with us, even when his body has left this earth.

I’m gonna miss him… with all my heart, I’m gonna miss him. 

I want to succeed – it was Tatay’s only dream. I remember in his burial, a man told me how proud my Tatay was of me being in Makati Science student,to enter in college and a smart one. I don’t know how to react then, but a tear fell. And I remember how proud he was telling his friends and kumpares ”Yang anak kong yan!! Honor ata yan mula grade one hanggang grade six first honor yan, yan ang magaahon sa kin sa kahirapan”. But now, he’s gone. I could never give him the life he wished for, but I  wish i will fulfill his dream. No matter what, I will…

We love you Tatay. 

Paano?

Paano ko ba maibuburda sa mga salita at bubudburan ng tugma ang aking damdamin para sa iyo,

o kung paano lalapatan ng sukat ang bawat tibok ng aking puso.

 

Paano ko ba maikukulong sa mga saknong ang mga alaala ng bawat pagkakataong ginugugol natin sa piling ng isa’t isa.

 

Paano ko maisasalarawan nang nakakubli ang kahulugan ang ating mga palitan at bahaginan ng mga saloobin, pangarap, at pangamba.

 

Paano ko  kaya maisatitik sa mabulaklak na panitik ang kilig na dulot ng iyong tinig at ang kiliting dala ng iyong mga titig at dampi.

 

Paano ko rin maihahanay sa patulang sulat maging ang mga kaisipang mapagmahal na kapwa natin niyayakap.

 

Paano? Paano ?…

 

Ang natitiyak ko lamang, Ikaw ang mapagmahal na lakambining nagpapasigla sa aking payak na panulat, ang marikit na musang kasuyo at katuwang sa pangangarap, ang nagbibigay pag-asang kasama sa pagsaksi sa kadakilaan ng mga obra ni Bathala.

‘Yun nga lamang, matulain man ang aking pag-ibig, ayaw kitang alayan ng tulang pilit.:x lovestruck

Masayahin ka ba?

Masayahin naman at palabiro akong tao. Masayahin akong nilalang. Sa bawat kibot ko, bawat hikbi at bawat hakbang ay may halong katatawanan. Siguro sadyang napaka optimistiko ko kong tao. Mula sa maliit na butil ng palay hanggang sa dambuhalang bagay ay nagagawan ko raw ng kalokohan. Malakas humirit, malakas bumanat.

Sabi nila bakit daw masayahin akong tao? Simple lang ang sinasagot ko. Kapag Masaya ka parang ang lahat ng bagay sa’yo ang dali-dali, magaan at lumulutang. Kapag masaya ka mas nagagawan mo ng solusyon ang bawat problema. Kapag masaya ka mas nagiging positibo ang mga hinaharap at pananaw mo sa buhay.

Pero minsan naisip ko rin na may mga kahinaan at disadvantages din pala kahit masaya ka sa mga mata ng ibang tao.  Minsan kase kapag may sinabi ka sa kanila akala nila biro pa rin. Sa tingin pa rin nila eh biro pa rin. Na minsan kahit gaano ka na kaseryoso, kase pag oras na kailangan mo sila, or kahit isa man sa kanila, hindi nila malalaman unless nagpaparamdam kang malungkot ka kase nakilala ka nila na MASAYA PALAGI.

Akala sguro nila pag masayahin, agad na “oovercome” yung emotions pag malungkot pero hindi eh. Ang hirap din.

Mahirap sabihin din na seryoso ka na sa tunay mong nararamdaman. Na ipamukha sa kanila na marunong din naman ako magseryoso sa ibang bagay. Wala rin makakisip magtanong kung nasasaktan ka rin. Tao lang din na nadadarang at may mga sentimiyento rin nararamdaman.

 

Magpasaganon pa man. Nasa kanila pa rin un kung paniniwalaan pa rin nila ang ilang mga bagay na  sasabihin ng isang masayahing tao. Gusto ko lang din sana ipamulat sa iilan na ang isang masayahing tao ay marunong rin mag seryoso sa buhay….Haizzzzt…..

Taga 96th ka kung…

Taga 96th ka kung:

  • Kilala mo ang mga hunk na sina Bingo, Arudo, Boyet at Kanuto.
  • Sa umaga almusal mo ang lugaw at champorado ni Bright.
  • May mga kubol at pabasa then waiting ka sa karambola kapag “easter”.
  • Sarado ang kalye tuwing may happenings mapa  birthday, lamay or minsan trip lang sinasara na.
  • MInsan ka na rin nasangkot sa away mula sa manansala clans.
  • Ang araw ng inuman ay Thursday.
  • Dito mo natutunan ang gin pine, gin pom, gin kal at boracay.
  • Ang famous tambayan d’Bakery.
  • Nasubukan mo rin sumali sa SPES pag summer at mga liga tuwing summer.
  • Hindi na dugo ang nasa katawan mo kundi “alak”.
  • Karamihan sa mga nakatira ay “kapampangan”.
  • Walang buwan sa kalendaryo na may dumarating na balikbayan.
  • Sisilip ka sa bakery kung may tambay, pag wala uwi uli sa bahay.
  • Alerto ka sa mobil dahil may phobia ka sa bagansiya.
  • Nasubukan mo na magbigay ng handa niyo sa mga nagpapabunot ng sisiw at itik pati mga nagpapa color game kapag fiesta.
  • Of course ang “Outlawz 096″
  • Kilala mo si “ate elsie” at tuwing 9 ng umaga umaatend ka ng bible study.
  • Walang chismis na hindi mo rin alam.
  • Nasubukan mo nang kumain ng 2 piso na kanin na may sabaw ni aling marga.
  • Natikman mo na ang refreshing na saging con yelo ni aling puring tapos hihirit ka pa ng maraming yelo.

Ito nga pala ang lugar kung saan namulat sapul ng aking pagkabata. Hanggang sa magpahanggang ngayon, marami na ang nagbago at nag-iba pero iilan lang yan sa mga kasaysayan at alaalang kinamulatan simula ng aking pagkabata….

Kaya kung taga 96th ka talaga siguro alam mo ang mga bagay na ito …..

Munting liham

Gurl,

How are you? How’s everything? Hope you had a great time. This is a response to the letter that you gave me.

Honestly, i dont know how to start then.

It isn’t often that I say this, but I wanted to thank you for being such a good person. You are always around when I need someone to talk with, always willing to listen when I need to talk, and always ready to organise something fun when I need a break. You are one of the most important people in my life, and when I count my blessings I somehow think of you. I don’t think I could have gotten through the last few months working with you. Through the break-ups and career changes and you were always around to lend a hand and tell a joke. I appreciate that more than you know.

Any day that this letter reaches you will be truly special for me. And you are the reason why.
It has been a special day everyday since I’ve first met you. You gave me a reason to wake up and go to work early. As I wake up, I know that I will be joining a world that includes a beautiful person like you.

See those picture?  It felt like my insides were melting, my muscles were dissolving in electricity, and its like some creatures are hammering my lungs.

I want you to know that you have one of my biggest surprise in life. You have surprised me in countless ways, although you may not be knowing it. Your smiles and kindly look always give me a heart attack.

Sincerely yours,

-Boi-

Pamamaalam

Pamamaalam sa isang pag ibig na kailan man na hindi na maaring mangyari pa.

 

 Alam mo, hindi ko mawari at di maintindihan kung anong nangyare? Paano at bakit humantong tayo sa ganito- hindi na pagkikita, madalang na pag-uusap at malumay na komunikasyon. Tila baga isang kastilyong buhangin sa dalampasigan na tinangay ng alon ang nangyari sa atin…

 

Pero ulit, meron nga bang “tayo” na nasimulan?…Magkaibigan lang tayo nuon, na parehas lang katatapos mula sa bigong relasyon. Pero kung ano man tayo nuon ay walang pormal na pag-uusap, walang salitang “oo”, walang napagkasunduang “tayo”. Sadyang mapaglaro lang ang ating mga utak kakambal ng ating mga nagsusumidhing damdamin.

 

 Pero kahit hindi ko man sabihin…Minahal kita ng buong puso ko at magpasahanggang ngayon, pero nakakapagod na. Pagod na ang puso kong lumaban sa isang pag-ibig na namuhay ng sandali..namuhay sa aalala na tanging espesyal lang ay sa kin…

 

 Pero magpasagayun pa man. Salamat na rin sa lahat lahat…sa pagpapahalaga kung gaano kahalaga ang buhay.. sa pagpapakita na kaya mo rin mahalin ang isang taong katulad ko…Sa pagtuturo mo sa kin kung paano ko maunawaan na kung sino pa ang minahal mo ay siya rin ang magiiwan ng kirot sa puso mo..at kapag ika’y nasaktan, posible ka pa rin magpatawad, kalimutan ang lahat at ihakbang ang mga paa sa sa susunod na baytang. Salamat sa pagpapaunawa na na maari ka pa rin magtiwala matapos ang isang bigong pag-ibig.

Salamat sa pagdulot mo sa akin ng pinakamasakit na aral sa buhay…ang magmahal sa isang tao na binigyan mo ng pagkakataon para lang ikay masaktan, na kung gaano mo siya minamahal ay ganoon din ka rin nasasaktan, na habang patuloy kang nagmamahal ay patuloy ka rin nasasaktan.

Salamat sa pagtanggap ng buong buo kasabay ng pagusbong ng aking pagkatao..sa pagbibigay ng inspirasyon kung paano magpakatao at kung paano ang maging Tao. Salamat sa mga balikat na naging dantay ko sa tuwing akoy nalulumbay. sa tuwing kailangan kita- mula sa kalokohan hanggang sa seryosong usapan. Salamat sa dulot mong tuwa, ngiti at iyak. Salamat sa mga haplos ng iyong kamay, sa mga panahong magkahawak at nagsasabing hindi ako nag-iisa. Salamat sa mga yakap at pagpunas ng mga luha sa tuwing ako’y nanghihina at nalulumbay, sa walang patumanggang pagmamalasakit at pagpapadama na kaya kong ibangon sa sarili sa tuwing ako’y nalulugmok. Salamat sa mga araw na ikaw lang ang kasama at sa mga gabing ikaw lang ang kapiling.

 

 Ipagpaumanhin mo kung ang mga bagay ay humantong sa ganito. Hindi naman talaga sana dapat na mahulog ang loob ko sa isang katulad mo. Na wala naman talga akong dapat asahan sa silakbo ng ating mga damdamin. Pero kahit na alam kong masakit, Ako’y labis paring natutuwa sa panahong nakilala kita. Ang maging” bahagi ka” ng magulong buhay ko sa maigsing sandali. Sabi nga nila na “Ang lahat ng bagay ay may katapusan” pero paano ko tatapusin kung hindi man natin alam kung saan tayo nagsimula. Isang bagay na akmang akma para sa atin.

 

 Marapat kung tanggapin na hindi ka parin malalayo sa aking isipan. Na ang isipin kang muli ang magdudulot muli ng kalungkutan at panghihinayang. Huwag mo akong alalahanin. Ayos na ako sa ngayon. Magiging panatag din ako. Ang magmahal muli ay kailangan ng mahabang panahon. Sa ngayon, mas nais ko munang maghilom ang mga sugat, pagtagpi tagpiin ang mga napunit kong sarili para kung sakali man dumating babaeng nararapat sa akin, Maibibigay ko ng buong buo aking puso at walang pagpapanggap ang aking sariling iaalay sa kanya ang hindi ko naibigay sa iyo nuon. :( sad

May pag-asa pa.

Medyo malayo layo na ring panahon ang inilagak ko sa mundong ibabaw. Hindi na ako isang bisirong nanginginain sa parang, na tila walang kapapaguran sa mga nagaganap sa kapaligiran. Marami-rami na rin akong napagdaanan … mga pagsubok sa nakalipas na panahon, na naging tuntungan ko at ng marami pa, upang patuloy na umasa, patuloy na magtiwala, na, sa kabila ng lahat, ay may pinilakang alapaap na nagkukubli sa likod ng madidilim na ulap ng pagkabigo at pagkasiphayo ng tigib ng pag-asang mga pangarap sa panahong lumipas.

Inaamin ko … minsan na rin akong nalugmok at nadapa. Masahol pa sa isang paralatikong na stroke  ang pinagdadaanan ko. Mabigat ang aking damdamin sa mga pasakit na hatid ng mga pagsubok  nagaganap na tila naganap sa aking buhay …

Lahat tayo ay nagdadaan sa iba-ibang uri ng pagsubok at pagkakalubak. Lahat tayo ay nagkakaproblema. Iba’t iba nga lang ang lebel.. Lahat tayo ay nanghihinawa, napapagod, nawawalan kung minsan ng pag-asa, at nanlulumo sa kawalan ng kaluguran sa ating pamumuhay sa lipunan nating punong-puno ng balakid at suliranin.  Minsan naitatanong ko na lang:

Hindi ko talaga maunawaan ang buhay. Hindi ko talaga maintidihan kung bakit sa ganitong paraan ako tinatrato nito. Ewan ko nga ba pero para sa akin may mga pagkakataong mas masarap pa talagang mag-isa na lamang at paganahin ang pantasya at mangarap kaysa sa ganap na harapin ang tunay na buhay sa labas kasama ang mga taong hindi ko rin naman maunawaan kung bakit gaya ko ay patuloy pa ring nakikipagsapalaran sa buhay.

Ewan ko nga ba kung bakit tila baga napakarami ko pa talagang hindi nauunawaan sa buhay gayong sa pagkakaalam ko’y marami na rin naman akong napagdaanan at malayu-layo na rin naman ang aking natahak. Hindi ko talaga maunawaan kung bakit tila baga para sa akin mas madalas pang mangyari sa buhay ko ang mga bagay na hindi ko naman talaga hinagilap pangarapin kaysa sa mga bagay na sadyang hiniling kong mangyari sa totoo kong buhay. Hindi ko talaga lubos maintidihan kung bakit wari’y matalinhagang paglalakbay ang aking tinatahak sa buhay. Na wari’y sa bawat hakbang na aking ginagawa’y may tumatarak na tinik sa akin na ang kirot ay animo’y hindi na kailanman mapapatid pa at sadya na lamang unti-unting kikitil sa aking pagkatao.  “Likas lang bang ganito ang buhay?”

Nakapanghihinayang tanggapin ang tila isa nang katotohanan na mabubuhay na lamang nga ako sa mga pangarap nuon.

Ayaw ko mang mangyari subalit wala akong magawa. Isa lamang mahinang pwersa ang taglay kong lakas kumpara sa higanteng lakas ng buhay kung kaya’t ibigay ko man ang lahat ko, ang buhay ay patuloy pa ring magwawagi, patuloy na tatawa sa aking pagkatalo. Muling ilulugmok ang aking mga pangarap kasama ang nakahandusay at humahagulhol kong sarili. Maiiwan na naman ako sa kawala. Muling tatangkaing bumangon at hihingi na naman ng liwanag mula sa itaas upang muling mabigyang lakas. Muling bubuo ng panibagong pangarap..

Yan ang mga himutok ko noon. Mga hinagpis at panaghoy.

Pero ang lahat ng iyon ay nagbago.  Lahat ay nag-iba simula ng mahaplos at mabanaag na mayroon pa talagang pag-asa.

Ngayon. Magtatangka  na namang makibaka laban sa buhay, upang sa huli’y hindi na muling mabigo. Muli na naman ako tatanggap ng premyo ng pisngi ng tropeyo.

Punung-puno ng buhay, pag-asa at ligaya. Walang naghahari kundi ang pag-ibig ko sa Kanya. Sa Kanya, ako ang wagi laban sa buhay. Sa Kanya, walang pait at sakit, walang luha at hinagpis, walang poot at pagkabigo.

 

Sa Kanya umiinog ang buhay, Siya ang buhay. Sa Kanya malapalasyo ang pugad ng katiwasayan at kagalakan.. Walang sulok sa lugar na iyon na balot ng dilim, lahat naiilawan ng katotohanan…

 Pinahihina man tayo ng problema at takbo ng panahon. Sa mga ganitong pagkakataon, ang pagbubulay bulay sa Kanyang kadakilaan ang sustansiyang ating kailangan..

Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao.

Ano ba ang pamantayan mo sa pagpili ng magiging katuwang sa buhay? Minsan naitatanong mo rin yan sa iyong sarili.

 

Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao, mas pipiliin ko pa rin yung mahal ko. ’Yan ang sabi ko sa ‘yo nung minsang napag-usapan natin ang mga love life natin. Pareho tayo ng pag-iisip sa bagay na ito. Pareho tayong naniniwala na meron ngang tao na nilaan para lang sa atin. Dati, akala ko ikaw na ‘yon. Ngayon ko lang naiisip na baka nga hindi talaga tayo para sa isa’t isa.

 

Kung aalalahanin ko lahat ng dinaanan ko dahil sa iyo, mapapabuntung-hininga na lang ako. Sabi ko nga, mahirap maging kaibigan mo, pero mas mahirap na mahalin ka at maging kaibigan mo lang. Bilang kaibigan, kailangan kong ipakita ang suporta ko sa lahat ng gusto mong gawin. Kailangan ipakita ko na masaya ako tuwing masaya ka. Kailangan ipakita ko na natutuwa ako sa mga kakiligan mo kapag kasama mo siya. Kailangan nakangiti ako kahit malungkot ako. Lahat nang ito ginagawa ko dahil gusto kong malaman mo na tunay akong kaibigan. At dahil mahal kita. Kung pwede nga hindi na ako magpapakita sa yo para lang hindi ako masaktan. Pero mahal kita. Para sa akin, ito lang ang dahilan kung bakit hindi ako umaalis sa tabi mo. Para sa akin, ito lang ang dahilan kung bakit hindi ako nawawalan ng pag-asa sa ‘yo.

 

Pero ngayong napapaisip ako, hindi lang naman kalungkutan ang dinala mo sa akin. Ang ganda rin pala ng pagkakaibigan natin. May mga araw na kapag magkasama tayo, tawa lang tayo ng tawa. Siguro weirdo talaga tayo pareho, magka-wavelength. May mga araw naman na sobrang seryoso ng usapan. Tungkol sa mga problema sa pamilya, mga prinsipyo sa buhay at mga pangarap na gusto nating abutin. Pero may mga araw rin na wala kang kakwenta-kwentang kausap. Yun yung mga beses na kahit tahimik lang, ok na para sa atin.

 

Kapag kasama kita, sobrang kumportable ako. Kaya kong maging ako tuwing kasama kita. Kaya kong sabihin lahat-lahat at ipakita ang buong pagkatao ko sa yo dahil alam kong tatanggapin mo pa rin ako bilang kaibigan.

 

Ito ang hindi ko nakita noon. Dahil sa pagkabulag ko sa pagmamahal ko sa ‘yo, isinumpa ko ang pagkakaibigan natin. Lagi kong naiisip na kaibigan lang kita. Hindi ako nagpasalamat sa pagkakaibigan natin. Ngayon lang ako natutuwa na kahit papaano, kaibigan kita. Masaya ako na dumating ka sa buhay ko, kahit para maging kaibigan ko lang. Isa ka sa mga biyaya na ibinigay sa akin at nagpapasalamat ako dahil dito. Masaya ako dahil kaibigan kita at dahil namamamahal kita ng ganito. Siguro nga hanggang dito na lang ang pagmamahal ko sa iyo. Hanggang kaibigan na lang.

 

Kahit ibigay pa sa kin ng Diyos ang isang perpektong tao, mas pipiliin ko pa rin yung mahal ko. ‘Yan ang sabi ko sa iyo. Sabi ko sa iyo mas pipiliin pa rin kita. Na kahit sino pang mas maganda, mas matalino, mas mabait, o mas may prinsipyo pa ang dumating sa buhay ko, ikaw pa rin. Kung gugustuhin mo lang, ikaw pa rin. Ikaw pa rin. ’Yan ang sabi ko sa iyo. ….

Sino ba ang hindi nangarap ikasal?

Kahapon, ako pati ang aking pamilya ay dumalo sa isang napakahalagang okasyon ng isang malapit na kaanak. Ito ay ang isang kasal. Dito naging bahagi kami upang saksihan and dalawang pusong nagmamahalan upang maging isa. Isang napakahalagang seremonya. Banal at sagrado. Kapanapana-bik at tunay naman kaabang –abang.  Hindi naman napuno ang simbahan pero alam kong halos buong pamilya ng brides at groom ay naroon. Sadyang napakataas ng atmospera sa paligid at maririnig mo ang mga manaka-nakang kantyawan at bulungan.

“Bagay talaga sila” bulong ng isa kong kaanak…”Pare di pa huli ang lahat” sigaw naman sa kabilang upuan. “Ang gara naman ng gown ng bride” tugon naman ng aking pamangkin. “Kuya, ikaw kelan ka ikakasal?” kalabit mula sa king pinsan.

BOOM! Nagitla ako sa kanyang sinabi. Parang sumabog ang paligid ng marinig ko iyon. Ang napakatamis na harmonya ng violin ay hindi ko na marinig. Ang napakabanayad na hagod ng tunog ng mga piano ay hindi ko na madama. Daig ko pa ang isang bingi ng mga oras na iyon dahil puro flash na lang ng kamera ang nakikita ko…Tila baga umurong ang aking mga dila at hindi ko alam ang isasagot ng marinig ko iyon.

Kung alam lang sana niya. It was “June 18,2010”  was the exact date that I supposed to be merried.  Dalawang taon na rin ang nakalipas ng sumagi sa isipan ko ang isang pangako nang nuon ay dalawang nagmamahalan na pinaglipasan na ng panahon.  Hindi rin alam marahil ng ilan kong kaibigan lalo na ng aking pamilya na dapat sana sa ganitong petsa ay nais ko na rin lumagay sa tahimik. Nuon napagkasunduan din naming ng aking kasintahan na sana sa ganitong petsa ay nakatindig kami sa harap ng altar at sumusumpa sa pagsasama at magbibigay ng sigla mula sa lambingan na isa ring napakahalagahang sangkap sa matagumpay na pag-aasawa!

Pero katulad na rin ng mga palabas na pumatok sa sinehan at mga telenevola na mapapanood mo sa primetime. Ako’y nabigo.  Nasawi, nadapt at muling nalugmok. Hindi ko na ilalahad pa ang kadahilanan pero naisip ko umiikot lang siya sa isang konsepto. Hindi ako para sa kanya at hindi rin siya ang para sa akin.

Ang dami kong natutunan. Sino ba ang hindi nangangarap ikasal? Mula sa pagiging  malaya tungo sa matremonyang pagsasma na pinagbibigkis sa batas ng tao kundi gayundin sa mata ng Diyos. Pagniniig sa isip, puso, salita at diwa.

 

Ang pagpapakasal pala ay pagbubuklod ng dalawang pusong nagmamahalan upang maging isa.  Isang napakahalagang araw para sa dalawang pusong nagmamahalan.  Mga sumpaang sa hirap at ginhawa, sa puso at gawa and till death do us part ang mga maririnig. aspetong emosyonal at ispiritwal ng isa’t isa. At sa kanilang dalawa dapat magmula ang pagpuno sa mga puwang ng kanilang relasyon.

 Isa sa mga aspetong natutunan ko  pa ay ang tinuran ng pari habang siya ay nagmimisa…LOVE is T.I.M.E. which is para sa kin ay tama. Ang pagmamahal ay may kaakibat na panahon. T-rust, I-nvestmen, M-ystery , E-ndearment.

Trust kung saan kailangan pagtuunan at bigyan halaga ang pagtitiwala ng bawat isa. Investment ng pagmamahalan at respeto mula mga unang taon ng pagsasama hanggang sa pagtanda. Mystery or misteryo na kung saan ay dapat ay magiwan pa rin daw ng mga natatanging bagay na hindi alam sa isat isa para magkaroon ng challenge ang pagsasama. Endearment or mga taguri tulad ng honey, love, darling, sweetheart at kung ano ano pa upang mas maging matamis pa ang pagtitinginan kasabay ng pagtakbo ng panahon.

Dapat din raw tugunan din ang aspetong emosyonal at ispiritwal ng isa’t isa. At sa kanilang dalawa dapat magmula ang pagpuno sa mga puwang ng kanilang relasyon.  Ang pagpapakasal kasi ay karaniwang kinikilala na pagsisimula ng isang pamilya, ng isang tahanan na pagsisikapang maging pugad ng mabubuting supling.

Nabatid ko rin ang kahalagahan at mga karakter sa loob ng simbahan. Hindi lang pala ang mga kinakasal ang bida. May mga kanya kanyang papel pala ang bawat isa. Mula sa mga aras at bibliya na ginamit,sponsor, abay at hanggang sa kaliit liitang singsing ay malaking bahagi sa seremonya. Ang bawat isa pala sa kanila ay sumisimbolo at kumakatawan sa bawat kinakasal.

Ang mga aras ay material na simbolo na ibibigay ng lalaki ang mga pangangailangan ng kanyang magiging pamilya. Sumisimbolo rin ito ng isang maunlad na pamumuhay at nangangakong pag-ibayuhin at maging progresibo ang pamumuhay ng kanyang magiging pamilya.

Ang singsing na sa sumasagisag ng inyong wagas na pag-iibigan na buong puso ninyong itataguyod at pagsusumikaping palakihin ang mga magiging supling sa panahong darating.

Ang bibiliya na magsisilbing gabay ang mga salita ng Diyos. Ang Kanyang mga salita ang magiging tanglaw ng mag-asawa sa mga pagsubok na kakaharapin.

Ang belo at kordon na siyang nagdudugtong sa dalawa. Magiging sandigan ng bawat isa. Ang mag-uugnay at magbibigkis ng pagmamahalan. Na ang lalake ay aalagan si babae. At si babae ay magpapasakop kay lalake.

Ang mga ninong/ninang na tatayong pangalawang magulang. Higit pa sa material or regalo ang dapat asahan sa kanila kundi ang pagkakaroon ng responsibilidad at magbibigay gabay kung paano magiging maningning at magkaroon ng tamang landas ng buhay mag-asawa.

 

Ngayon, Mas lalo ko na naunawaan ang kahalagahan ng kasal. Hindi lang pala ito basta seremonyas. Isa pala rin itong sagradong kaganapan na ang pinagbigkis ng Diyos ay di maaring paghiwalayin ng tao. Magiging kaakibat ang nakapatong responsibilidad at obligasyon sa magiging kabiyak at sa mabubuong pamilya. Na ang pag-ibig pala ay magmumula sa dalawang pusong nagmamahalan. Hindi pinipilit at hindi nagmamakaawa.

Bukas, alam kong gigising ako na mayroong positibong pananaw na darating din ang araw ng akin ding pinapangarap . Ang maglalakad patungo sa dambana kasabay sa mga saliw at harmonya  ng musika. Magsusumpaan at magniniig ng aking magiging kabiyak. Kung sino man siya? Hindi ko rin tiyak. Tanging ang Diyos lang ang maghuhulma para sa akin. Alam ko na sa takdang panahon mangyayari rin yon.  Nabigo man ako kahapon, hinihintay ko man hanggang sa ngayon alam kong may bukas pa para sa akin.

Parang kailan lang.

I admired her brilliant mind and her sense of style;Its been a while since we’ve been together.

I miss her, more than I thought possible. I miss the sound of her soothing voice.
Nag-iinternet ako kanina at na open yung mga lumang pictures ko at nakita ko yung mga palitan natin ng messages sa computer. Di ko namalayan na tumatawa na pala ako mag-isa. Napansin tuloy ako ng ate ko dito. Para daw akong baliw kasi tumatawa ako mag-isa. Kung pwede ko lang sana ipabasa rin sa kanya yung binabasa ko, at ipakita yung mga picture! Kaya lang di pwede. Masyadong komplikado.

Ilang taon na rin  pala tyo magkakakilala at nakakachat at nagkakausap paminsan-minsan, pero di naman tayo masyado nagkakasama kung sa bagay nga naman. Kasi nga komplikado. Nasa kabilang bahagi ka ng daigdig Mag-usap man tayo pero tuwing may libreng oras lang o di kaya pag petiks ka sa trabaho o kaya mga nakaw na oras lang pag wala ka masyado ginagawa. Lam mo ba nung huling usap natin, tuwang tuwa ako kasi muli kong naramdaman na napangiti ka bunga ng konting kulitan.Lam mo na kapag nagkita na iba na sambulat na naman…

Maya-maya pa ay picture mo naman  noon ilang taon na ang nakakalipas ang nakita ko dito sa pc ko at cellphone ko; yung mga iba’t ibang picture na ginawa natin dati. Hanep nga iba’t ibang itsura may bata, may nakangiti tayo, may nakadila, may pang jologs, may pa cute, may panakot ng daga at meron din mga pang bestfriend na shot.. Well enyway ipinakita ko iyon sa ate ko nakapansin sa akin na tumatawang mag-isa. Napagkwentuhan namin yun at mga bagay bagay ang dami nga nyang tanong tungkol sa ating dalawa, Kung sino ka raw? Kung nakita ka na ba niya in person? kung kumusta ka na raw sa dubai? Kung ano na trabaho mo? Kung buti nakaka survive ka pa jan? at kung ano ano pa. Ang daming masayang alaala tuwing tinitingnan ko ang pic mo; mula sa Epixtar days, Apac days hanggang sa magresign ka at magtungo lugar na yan lahat yun muling nanunumbalik sa isipan ko..lahat yun may malaking parte sa aking nakaraan.  *sigh*

Naiisip ko pa yung mga panahon na nasa opisina ka. Kapag may bakanteng upuan sa station mo ay dun ako naupo. Lagi napasok sa isip ko yun napakahina mong boses kapag nag take ka ng calls pero pag mute mo ang lutong mo palang magmura . Tapos lagi mo inaalis un split ends ng buhok mo kapag avail tayo sa office at kapag walang ginagawa. Eh un GEAC mo alam mo pa ba na JTEN un. La lang kapag nakikita ko un dati napapangiti ko pag ikaw un last agent na nag handle ng call. 

Kapag nakakarinig ako ng salitang “boss”..ikaw agad pumapasok sa isip ko. Hindi dahil sa boss kita pero yan kase ang tawag mo sa mga tao gaya ng waiter, crew at iba pa. Kaya ka talaga nabansagan na “jologs” dami mo kaseng alam na mga salitang pang kanto.

Naalala mo pa ba yung unang iyak mo sa akin? First time kitang nakitang umiyak dahil sa problema mo pagdating sa usaping pang puso. Duon pa nga tyo sa Macdo, Libis at lunch pa nga natin un ng nagusap tyo dun. Ramdam ko ang bigat na nadarama mo nung panahon na iyon kaya tanging suporta na lang at pakikinig ang magagawa ko sayo. Di lang un unang pagkakataon na pagusapan natin ang mga bagay tungkol sa relasyon kundi maraming beses na rin. Eh yung uminom tyo sa Timog, after shift un tapos nagkayayaan tayo upang mailabas natin yung galit at sama ng loob mo nun . Minsan na rin tyo uminom sa bahay nila cj nung nag celebrate tyo ng anniversary natin..Sa bahay ni Ice nung bday niya at kung san san pa. Grabe sobrang saya nang barkada nung mga panahon na iyon.

Tapos naging madalas na tayong magka-usap. Sa telepono naman at inaabot tayo hanggang umaga. Minsan nga off topic na mga responses ko sa sobrang antok eh. Pero ikaw focus pa rin. Bilib talaga ako sa tatag mo sa puyat.

Minsan mo na rin akong pinakilala sa lalakeng minahal mo nun. Nakasama pa nga kayo ng magpunta tyo sa batangas. Oo aminin ko medjo nakaramdam ako ng selos at medyo kaunting pagkainis ng makita ko un lalakeng dumudurog ng puso mo. Pero nang maglaon medyo gumaan din ang pakiramdam ko ng makainuman namin siya.

Parate tayo sabay umuwi, kumain at mag break.Kahit sa pag “haduken” pagtira sa mga kapwa agent kasama ka. Sa panglalait, pang aalaska at pagpupuri..number one tayo. Marami pang mga kagananapan at alam kong kulang ang ispasyong ito para ilahad ko ang ating mga kalokohan at pinagsamahan.

Pero alam mo ba, paminsan-minsan ay pumapasok pa rin sa aking isip yung lagi kong sinasabi na tayo pa rin ang magkikita sa finals. Na kahit matatanda na tayo, kung magiging “favorable” ang sitwasyon na tipong hindi na komplikado ay magiging masaya ang lahat .Sabi nga natin , na sa edad na 40, pipilitan ko pa rin pasayahin ka at paligayahin ka o di kaya’y tayo na ang magsasama.

Pero sa ngayon, hahayaan ko na munang umikot ang mundo sa galaw na gusto nito. Nasaktan ako noong iniwan mo ako sa ere pero medyo ok na ako ngayon. Akala ko di na kita makikita pa.Hindi pala. Sana maging maayos ang lahat nasaan man tayong piling. Masaya na ako ngayon ..  at patuloy na magiging masaya bastat alam kong lagi ka lang nandyan..Sana ikaw rin.

ajah!

isa na namang nakaimbak na naisulat ilang taon na rin ang nakalipas..para sa isa sa king matalik na kaibigan sa malayo..

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 329 other followers